Tuesday, February 16, 2010

Part 1 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO


MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO
(mga kritikong pangsundot sa mga dibuho ng mga haring komikeros)

Bago malaman kung sino ang MGA KOMIKS KINGS o MGA HARI NG KOMIKS ay una munang ipakilala itong si SUPER BUTT, ang drawing nito ay nasa itaas. Si Super Butt ay ang HARI NG LAHAT NA MGA SUPERHEROES at ang kanyang superpower ay nagmumula sa malaki at mabaho niyang PUWET, hhhhhhh. Si Super Butt pala ay CREATURE ni Super Kapre. At bago ang lahat ay natural lang na dapat magsimula muna kuno sa introduction.

Part 2 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

INTRODUCTION

Ang ESSENCE ng drawing ay EXAGGERATION, kung may EXAGGERATION ay may DYNAMIC TENSION, kung may DYNAMIC TENSION ay may ACTION o BUHAY at ATTRACTION ang drawing, at kung meron ATTRACTION ay meron APPEAL ito. Angkop na sabihin pala na DYNAMIC ANG ACTION dahil mayruon illusion ng pwersa ito para magkaruon ng illusion rin ng action na may motion, pero HINDI masyadong angkop na sabihin na DYNAMIC ANG LAYOUT dahil ang layout ay tungkol lang ito sa arrangement ng mga elementos ng drawing at hindi tinutukoy dito ang illusion ng pwersa at illusion ng action na may motion.

Ang EXAGGERATION ay puwede sa dalawang direction, papunta sa maganda na may ATTRACTION o papunta sa kapangitan na may ATTRACTION rin. Halimbawa, mas napapalingon ang mga lalaki sa babaeng EXAGGERATED sa sexual appeal ang katawan kaysa sa magandang babae na ordinaryo lang ang katawan. Napapalingon rin ang sinuman kung nakakita ito ng lalaki o babaeng saksakan ang kapangitan.

Nabuang ang mga kabataan na artists ngayon dahil sa EXAGGERATED na BINALTAK at naging TINGTING na mga drawings ng mga artists na hapon, ang iba naman na mga batang artists ay nabuang rin sa mga EXAGGERATED na PINASABOG at naging mga DAMBUHALA na na mga superheroes na mga drawings ng mga kano na artists. At bakit HINDI NA KINUKOPYA O GINAGAYA ng mga kasalukuyan kabataan artists ang mga gawa ng mga matatanda natin artists? Sapagka’t, pangkalahatan, ang mga drawings ng mga matatandang artists natin ay wala masyadong attraction dahil mga kulang ito sa EXAGGERATION, mga bansot pa ang mga characters na mga drawings nila.

Hindi lahat, pero ang marami palang mga kabataan komikeros ngayon ay mga IPOKRITOS. Bakit? Dahil kunwari ay bilib na bilib sila sa mga illustrations ng mga gurang na artists sa atin pero ang mga KINUKOPYA o GINAGAYA nilang mga komiks drawings ay iyong mga gawang superheroes ng kano at manga ng hapon. Maliwanag na ang totoong bilib sila ay sa mga drawings ng mga kano at hapon. Siguro kung paghahampasin ng dos-por-dos ang mga tuhod ng mga kumagis na ito ay baka tumino ang mga ito, hhhhhhh. Sabagay kung kupyahin o gayahin nga naman nila ang mga stelo ng mga matatandang artists sa atin ay mararagdagan pa ang mga PIGSA ng mga dibuho nila ng mga pigsa ng mga matatandang ito, hhhhhhh.

Pero ang tanong ay ito, ano ang SAPAT na EXAGGERATION? Ang MAGALING na artists na ADAPTABLE ang UTAK ay hindi na kailangan turuan ito, alam kaagad nito ang SAPAT na EXAGGERATION sa isang tinginan lang. Pero ang BUGOK na artist ay kailangan MANGUPYA na lang dahil kahit anong kapipiga sa isip niya ay hindi nito maabot maisip kung paano gawin ang SAPAT na EXAGGERATION. Nakukuha rin ito ng ibang artists sa walang tigil na TRIAL & ERROR na pagdidibuho, PAGSASANAY at PAGSASALIKSIK sa mga gawa ng ibang artists na marurunong sa EXAGGERATON. Ang masaklap lang ay isang tambak na mga artists ang hindi natuto sa EXAGGERATION hanggan sa MATIGBAK na ang mga ito.

Isa pa, magiging PERPEKTO ba ang gawa ng isang artist o sinumang artist? Ang sagot ay HINDI kailan man! Ang pagbabago ay walang katapusan hanggan sa kamatayan. At kung hindi aagapay sa pagsulong at pagbabago ang sinumang artist ay maiiwanan siya ng panahon, at BUHAY pa siya pero PATAY na ang stelo ng drawing niya. Sa maikling salita, susulong siya ng PAATRAS. Ito ang nangyari sa halos lahat na mga matatandang artists sa atin, at mangyayari rin ito sa halos lahat na mga kabataan artists ngayon. Si Kapre ang isa sa hindi sumulong na paatras, sa halip ay sumusulong pa ito na rumaragasang paabante, hhhhhhh. Bakit, dahil ba sa malahiganting tabako niya?

Ang SOBRA PALAGING PAGPURI sa mga gawa sa komiks ay ang PINAKAMALAKING BALAKID sa pagsulong ng mga stelo ng komiks sa atin, pero gustong-gusto ito ng mga BUGOK na artists para makiliti ang mga tinga nila. Kung PURIHIN PALAGI ang MGA GAWA ng isang artist, lalo na kung maraming mga mali ito, ay INUUTO at NILULUKO lang ng pumupuri ang artist na pinupuri niya at NILULUKO rin ng pumupuri ang kanyang sarili. At kung punahin naman ang MALING MGA GAWA ng isang artist ay malalaman ito niya at ng iba pa para magawan nila ito ng paraan na ma-IMPROVE o MAREMEDYOHAN ito.

Tandaan, kung PUNAHIN ANG MGA MALI sa MGA GAWA ng isang artist ay mabilis matutuo ito at mabilis rin ang PAGSULONG NIYA NA PAABANTE. Sa isang parte, kung NAIINGGIT naman ang isang artist sa iba ay PURIHIN niya palagi ang mga gawa nito hanggan langit para hindi ito matuto at para rin SUMULONG NA PAATRAS ang mga gawa nito.

Ang komiks pala ay dominado ng mga writers, o PRIMARY ang mga papel nila dito, kaya ginagawa nila na parang PROSE ang komiks at SECONDARY lang ang mga papel ng mga artists. Ito ang dating kinaugalian gawa sa komiks na MAKALUMANG PANANAW. Ang dapat ay SECONDARY lang ang mga papel ng mga writers at PRIMARY naman ang mga papel ng artists dahil ang komiks ay VISUAL.

Ang 2D animation ay naging 3D na, at itong 3D animation naman ay nag-evolve na ito at KAISA na ito ngayon sa live action film. Ang komiks ay hindi lang dapat ARTISTIC, ito ay dapat rin CINEMATIC at TECHNICAL, at kung isama pa dito ang mga PRINSIPIYO SA PAGGUHIT na binanggit ni Kapre sa kanyang blog ay ma-evolve rin itong komiks na kagaya ng 2D animation at magiging KAISA na rin ito sa live action film. Ito ang isa lang sa mga MAKABAGONG PANANAW ni Kapre sa komiks, at ito rin ang pinuputok ng mga butsi ng mga anonymous na mga writers na naglipana sa blog ni JM dahil sa makabagong pananaw na ito ni Kapre ay puwede ng walang writers, o puwede na silang ITAPON SA BASURAHAN, hhhhhhh.

Sa ibaba ay ang mga KRITIKO ko na may halong BIRO na BATAY lang sa mga DIBUHO ng sumusunod na mga artists at HINDI BATAY sa kanilang mga nobela at storya, magiging sobra ang lawak ng tatalakayin kung kasama kasi ang mga nobela at storya. Ulitin, ANG MGA KRITIKONG ITO AY TUNGKOL LANG SA MGA DIBUHO NG MGA MATATANDA AT BATANG KOMIKEROS. Pero medyo LILIMITAHIN ko ito sa MGA PRINSIPIYO NG DRAWING na tinalakay ko sa blog ko na

COMICS and ILLUSTRATIONS according to FLORO DERY
(ito pala ang MAGIC STONE ni Kapre)
http://comicsillustration.blogspot.com/

na may relasyon sa EXAGGERATION AT DYNAMIC TENSION dahil ito ang mga SPIRITOS ng DRAWING. Pero kung kinakailangan ay babanggitin ko rin ang LAYOUT & COMPOSITION, DIRECTIONAL CONTINUITY, DIRECTION OF ACTION, CENTER OF ATTRACTION, TWISTING, COMPRESSING & STRETCHING, TRANSITION NEUTRAL SHOTS, REACTION SHOTS, SYMBOLIC ANGLES & PANELS, DEPTH & FORESHORTENING, DISTANCE, MULTIPLE LEVEL BACKGROUNDS, PERSPECTIVE & TWISTED PERSPECTIVE, CONTRAST, PROPORTION, VARIATION, TEXTURES, CREATIVITY, STRUCTURE & FORM, FIGURE ACTING & FACIAL EXPRESSIONS, ARTISTIC, CINEMATIC & TECHNICAL at marami pang ibang mga KABULASTOGAN. Pero pagtutuonan ko ng masusing pansin ang COMPOSITION ng drawing lalo na kung meron multiple level backgrounds ito dahil ang kumplikadong composition ng drawing ay mas mabuti kaysa sa simple, lalo na kung kinukolayan ito.

Part 3 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

EMPEROR, ACES, KINGS, QUEEN at JACKS ng KOMIKS

Dahil sobra ang kakitidan ng mga utak ng ILAN sa mga komikeros na madalas pa na ginagamit nila ang kanilang mga PUWET, sa halip na ang kanilang mga ULO, sa pag-iisip at pangangatuwiran kaya ang ginamit ko na lang na MGA PANGALAN ay iyong mga pangalan ng mga hari ng komiks sa ALTERNATE PARALLEL UNIVERSE para hindi naman MAGTATARANG uli itong mga komikeros sa inis sa akin, hihihihihi.

Simulan natin kay SUPER KAPRE. Dahil si Kapre ay super kaya siya ang KOMIKS KINGMAKER ng mga komikeros, hhhhhhh. Kayo na ang maging super na kapre kung may reklamo kayo. Si Kapre rin ang nakakapanghilakbot na panaginip ng mga komikeros habang natutulog na dilat ang kanilang mga mata, at si Kapre pa rin ang numero unong tagasundot ng mga “pigsa” ng mga dibuho nila para magsi-atungal ang mga kumagis na ito. Katakot-takot na kunsumisyon ang mararanasan ng mga komikeros sa kapreng ito dahil rin sa mala-imburnal na amoy ng usok ng TABAKO niya na nasuka at lumayas pati ang girlfriend kuno niya na si Maria Kapra, hhhhhhh …….

ANG PINUPUTOK PALA NG MGA BUTSI NG ILAN SA MGA KOMIKEROS KAY KAPRE AY DAHIL HINDI SIYA SUMASABAY SA AGOS NA GUSTO NILA, AYAW RIN PURIHIN NI KAPRE ANG MGA DRAWINGS NILA NA MAY MGA PROBLEMA, AT DAHIL RIN MADALAS NA PINAGSUSUNDOT NGA NI KAPRE ANG MGA “PIGSA” NG MGA DIBUHO NILA AT ANG MGA “PIGSA” NG MGA DIBUHO NG MGA MATATANDANG ARTISTS NA MGA IDOLO KUNO NILA.

Pssssst! Atin-atin lang ito, ang totoong mga idolo ng karamihan sa mga komikeros ay ang mga kano at hapon.

SA ISANG PARTE, SI KAPRE LANG ANG HINDI NANG-UUTO SA MGA KAPWA NIYA KOMIKEROS PARA BILHIN ANG KANYANG MGA DRAWINGS. EH, WALA NAMAN KASING IBINIBINTANG MGA DRAWINGS ANG KAPRENG ITO, hhhhhhh. AT SA HALIP AY TINUTURUAN PA NIYA NG LIBRE ANG MGA KOMIKEROS, PATI IYONG MGA ASAR SA KANYA, NG KANYANG MGA SEKRETOS SA KOMIKS. ANG MASAKLAP DAHIL ANG NAGSABI LANG SA KANYA NG “THANK YOU” AY MGA PUTI PA ITO. MAS INTERESADO ANG MGA PUTI KAYA MALIWANAG NA ANG PANGARAP NA PINOY GLOBAL DOMINATION SA KOMIKS NI AUGGIE AY PALAGING PANGARAP LANG ITO, hhhhhhh.

Kung gayon, si

SUPER KAPRE AY ANG KOMIKS KINGMAKER NG MGA KOMIKEROS AT HARI RIN SIYA NG MGA KAPRE NA MGA TAGASUNDOT NG MGA PIGSA NG MGA DIBUHO NG MGA KOMIKEROS PARA MAGSI-ATUNGAL SILA AT PARA RIN PUMUTOK ANG MGA BUTSI NILA SA KUNSUMISYON, hhhhhhh ……., SAKA ANG MGA KAPRE RIN ITO ANG NAGBIBIGAY NG NAKAKAPANGHILAKBOT NA MGA PANAGINIP SA MGA KOMIKEROS HABANG NATUTULOG NA DILAT ANG KANILANG MGA MATA.

Itong si JODLOMAN naman ay masasabing ABANTE sa kapanahunan ang kanyang kaisipan dahil alam na nito ang EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION samantalang ang mga kasabayan niyang mga dibuhista ay mga IGNORANTE pa o mga TATANGA-TANGA pa dito. Maaring nag-degenerate na ang mga dibuho nito ngayon dahil sa katandaan. Pero ang mga kabataan ngayon ay maraming matutuhan sa RAMIR niya, at kaunting kagyot na lang dito at duon ang idadagdag sa gawa niyang ito para lalong ma-improve pa ang COMPOSITION, DIRECTIONAL CONTINUITYat DEPTH ng kanyang mga dibuho.

Meron COMPRESSION pero kulang lang ang TWISTING, STRETCHING at VARIATION sa mga characters niya, at kailangan makabisa rin niya ng husto ang tamang paggamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, SYMBOLIC PANELS & ANGLES at REACTION SHOTS. Sa ngayon ay puwede ng isabak itong gawa niyang RAMIR sa larangan ng global na komiks. Dahil bias ako at meron aces na kasama ang mga hari sa mga baraha kaya gawin kung ACE itong si Jodloman, hehehe. At dahil rin fan ako niya, kaya si

JODLOMAN AY ANG ACE AT HARI NG LAHAT NA MGA HARING DIBUHISTA. Puwede bang ang ACE ay HARI rin? Puwede ayon kay Kapre, at ang sinumang mag-reklamo ay baka mahambalos lang siya ng dos-por-dos ni Kapre.

Si COCHING ay ang hinahangaan ng napakaraming matatandang artists nuon at marami rin sa mga kabataan ngayon. Ang mga kabataan ito ay maraming mapupulot sa stelo ng gawa niya, pero iwasan lang nila ang BANSOT na mga characters nito. Kulang sa TWISTING, COMPRESSION, STRETCHING, EXAGGERATION, DEPTH at VARIATION ang mga characters ni Coching. Pero puwede na ang mga actions sa mga drawings ng characters niya, kailangan lang dagdagan ng EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang mga ito.

Ang drawing COMPOSITION ni Coching ay simple. Wala akong nakitang kumplikadong composition at wala rin akong nakitang multiple levels ng backgrounds sa mga drawings niya kaya tuloy kumulang ang DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE. Wala rin akong nakitang TWISTED PERSPECTIVE sa kanyang mga dibuho para gumalaw ang mga mata ng viewer sa pagsunod sa mga actions ng kanyang mga characters. At saka wala rin madalas na CENTER OF ATTRACTION ang kanyang COMPOSITION na ang resulta ay hindi ma-unify ang mga elementos sa LAYOUT niya patungo sa isang centro, lalo na iyong kanyang mga panoramic spreads na hindi mga symbolic. Mas magaling si Nino kay Coching pagdating sa composition. Kulang rin pala ang gawa ni Coching sa CONTRAST. May pagka-DECORATIVE ang mga drawings niya, lalo na ang kanyang mga detalya sa backgrounds at shading, na nakakatakip at nakakalansi ang mga ito para hindi mapuna ang mga maling PROPORTION ng kanyang mga characters.

Kung titingnan lang at hindi babasahin ang mga captions at dialogues ay hindi masyado maintendihan ang VISUAL storytelling ni Coching dahil hindi masyadong tama ang gamit ng DIRECTIONAL CONTINUITYat SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Ang gulo ng kanyang ACTION DIRECTIONS dahil hindi siya gumagamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS. Kadalasan ay wala siyang REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS. Kung hindi ako nagkakamali ay itong si Coching ang nagpasimula sa walang buhay na malalamlam na mga expressions ng mga mukha ng mga characters sa komiks nuon, iwasan rin ito. At hindi rin varied o kulang ang FACIAL EPRESSIONS ng mga characters niya.

Kung i-apply ko pala ang lahat na mga binanggit ko na mga prinsipiyo ng drawing sa itaas ay MAWAWARAT ng husto ang mga drawings ng mga matatanda nuon at mga batang dibuhista ngayon dahil sa KAKULANGAN ng mga kaalaman nila dito. Pero masasabi na itong si

COCHING AY ANG HARI NG LAHAT NG MGA MATATANDANG DIBUHISTA NUON SA KOMIKS NA ANG MGA STELO NILA AY PURO MGA GURANG NA RIN.

Ang mga komiks drawings pala ni Coching, pangkalahatan, ay hindi cinematic kung tingnan ang mga ito at hindi rin technical, artistic lang ang mga dibuho niya. Ang mga nabanggit ko na MGA PRINSIPIYO sa blog ko at pati itong CINEMATIC, TECHNICAL at ARTISTIC ay ang mga elementos na ang kabuoan ng mga ito ang ma-define kung ang VISUAL STORYTELLING ng isang artist ay masasabing abanti o atrasado na sa panahon at meron ito na makabago o makalumang pananaw. Batay sa mga pamantayan ito ay masasabing atrasado na ang visual storytelling ni Coching na may makaluma rin pananaw.

Ang mga kritikong komento ko sa mga dibuho ni Coching at sumusunod na mga artists ay APLIKABLE rin ang mga ito sa mga drawings ng iba pang mga matatandang dibuhista nuon at sa mga kabataan ngayon na hindi ko nabanggit. Pag-ukulan ng sinumang dibuhista ng MASUSING PANSIN ang mga komentong ito kung gusto niyang MAIWASAN ANG MGA MALI SA KANYANG MGA DIBUHO, pati ang manunulat sa komiks ay pag-aralan rin niya ang mga kritikong ito dahil aplikable rin ito sa pagsusulat lalo na ang tamang paggamit ng DIRECTIONAL CONTINUITY at REACTION SHOTS na may relasyon ang mga ito sa VISUAL STORYTELLING.

Part 4 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Ito naman si NEBRES ay magaling ang brush style nito, pero NATATARANTA naman ito pagdating sa textures ng iba’t-ibang mga bagay sa kanyang mga drawings; halimbawa, ang katawan ng tao, kahoy, damit, lupa, bato, ulap at iba pa ay parareho lahat ang textures niya dito. Dahil walang VARIATION ang textures ng lahat ng mga bagay sa mga dibuho niya kaya nawalan ng DEPTH ito na naging sanhi para mawala rin ang ILLUSION ng DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE. Mahina ang static pose ng mga character drawings ni Nebres, pero excelente ang EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION niya pagdating sa action, at ang action ng kanyang drawing na tao ay talagang pliant at BIGAY-TODO ito.

Mas medyo magaling si Nebres kaysa kay Coching pagdating sa action. Puwede na ang COMPOSITION ni Nebres na mas kumplikado kaysa kay Coching. Kapos lang ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY sa VISUAL storytelling dahil hindi masyadong tama ang gamit niya ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS, at SYMBOLIC ANGLES & PANELS. Kulang ang TWISTING sa kanyang drawing na babae, meron STRETCHING ang mga characters niya pero wala naman itong mga COMPRESSION. Pero anak ng butiki na puno ng kulugo, ang expressions ng mga mukha ng characters ni Nebres ay sobra ang LAMLAM sa KAPUNGAYAN kahit na mga galit, gulat, seryoso, umiiyak, nalulungkot o masaya ang mga ito. Kaya itong si

NEBRES AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHONG MGA CHARACTERS NILA AY MALALAMLAM NA MAPUPUNGAY ANG MGA MATA KAHIT NA MGA TUMATAWA, NALULUNGKOT, SERYOSO, UMIIYAK, GULAT O GALIT ANG MGA ITO.

Ah, tungkol naman kay REDONDO, pagdating sa brush techniques ay mas magaling pa ito kay Nebres. Malamlam rin ang mga expressions ng kanyang mga characters, pero ang kapansin-pansin sa mga dibuho niya ay ang action na kulang rin ang EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION. PILIT ang action at walang TWISTING, COMPRESSION at STRETCHING ang mga characters sa mga dibuho ni Redondo na kapareho ito sa pilit na action sa mga gawa ni Vallejo. Kagaya ni Nebres, parareho rin halos ang mga textures ng lahat ng mga bagay sa kanyang mga drawings, walang mga VARIATIONS ito kaya hindi masyado defined ang DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE.

Simple rin ang COMPOSITION ni Redondo na madalas pa sa spread niya ay wala itong CENTER OF ATTRACTION. Medyo hindi tama ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY kaya magulo ang ACTION DIRECTIONS ng mga komiks drawings niya na ang resulta ay hindi masyado maintendihan ang kanyang VISUAL storytelling kung hindi babasahin ang mga captions at dialogues, at hindi ko nakitaan na gumamit siya ng mga SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Kagaya ni Coching, si Redondo ay hindi ko rin nakitaan siya ng tamang gamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOT, REACTION SHOT o REACTION CLOSE SHOT.

Hindi CINEMATIC at TECHNICAL ang mga dibuho nitong si Redondo, masasabing ARTISTIC lang ang mga ito, at dahil rin kinapos sa pamantayan ng ilan sa MGA PRINSIPIYONG nabanggit ko ang mga dibuho niya kaya masasabing atrasado at makaluma na ang kanyang VISUAL STORYTELLING.

Halos LAHAT ng mga matatandang dibuhista nuon at halos LAHAT rin ng mga kabataan dibuhista ngayon ay hindi nila alam masyado ang tamang paggamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOT para baguhin ang DIRECTION ng action at angulo ng drawing, at hindi rin nila masyadong kabisado ang REACTION SHOT o REACTION CLOSE SHOT para reaction sa ibang reaction o action.

Nuon ay idol itong si Redondo ng sangkatutak na mga kabataan artists kaya sangkatutak rin ang na-CLONED na mga artists nito. Kaya si

REDONDO AY ANG HARI NG CLONED NA MGA DIBUHISTA.

Ang apelyido ni MALGAPO ay pinagdikit na mal o masama at gapo o bato na ang ibig sabihin ay masamang bato. Perdon, oh diyos miyo, hhhhhhh ……., wala yata itong relasyon sa temang mga hari na tinatalakay ko dito. Baka batohin ako nito ng masamang bato sa galit sa akin. Pero itong si Malgapo ay clone ni Redondo. At sina FLORESCE, OCAMPO, LEONIDEZ, CARAVANA at BARRAS ay kagaya rin sila ni Malgapo na mga clones sila ng cloner na si Redondo. Dahil mga clones ang anim na ito kaya wala silang mga anino. O puwede rin sabihin na ang anim na ito ay meron lang ISANG ANINO pero anino pa ito ni Redondo. Samakatuwid, sina

MALGAPO, FLORESCE, OCAMPO, LEONIDEZ, CARAVANA AT BARRAS AY MGA HARI NG MGA DIBUHISTA NA MGA CLONES NI REDONDO NA IISA LANG ANG KANILANG MGA ANINO NA ANINO PA NI REDONDO.

Hohoho, paghahabulin na talaga ako ng mga BUBUYOG nito. Ito naman si ZUNIGA ay magandang sumisiga ang painting na babae nito. Subali’t ang mga komiks drawings na mga lalaki at babae niya ay parang mga TUOD na NANINIGAS kung tingnan samantalang wala naman itong DYNAMIC TENSION, pero meron EXAGGERATION ang mga dibuho niya, kaunti lang. Mas grabe pala ang komiks drawing na babae niya dahil wala itong feminine TWISTING, ang mga characters niya ay pangkalahatan ay wala rin STRETCHING at COMPRESSION.

Simple rin ang COMPOSITION ni Zuniga, kulang ito sa DEPTH, walang DIRECTIONAL CONTINUITY ang kanyang VISUAL storytelling, walang VARIATION ang kanyang mga characters at wala akong nakitaan sa mga dibuho niya ng tamang paggamit ng REACTION SHOTS, TRANSITION NEUTRAL SHOTS, at SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Pangkalahatan ay medyo nag-degenerate ang mga dibuho ni Zuniga at sumobra rin ang TIGAS ng action ng kanyang mga characters. Kaya masasabing si

ZUNIGA AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHONG CHARACTERS NILA AY PARANG MGA TUOD SA TIGAS KUNG UMARTE.

Part 5 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Para magkaruon ng paminta ay banggitin ko itong si CAPARAS. Talagang hanga ako sa taong ito dahil nakapanggilalas ang mga gawang nobelas nito pagdating sa MASS PRODUCTION. Mantakin na lang na 38,000 na mga nobelas yata ang sinusulat nito na sabay-sabay na lumalabas sa isang linggo, ehe, 38 daw pala. Ang daming nainggit tuloy na mga writers pati artists sa kanya. Hanggan ngayon ay isinusuka pa rin siya ng mga ELITISTANG komikeros, puwera dito si Kapre.

Kahit na ang ilan sa mga gawa ni Caparas ay puwedeng PANG-BASURA lang pero ni sinuman sa buong mundo ay hindi kayang pantayan sa dami ang mga sinulat niya na mahigit sa 800,000 na mga nobelas, ehe uli, 800 kuno. Baka naduling na ang tingin nito sa kama-mass-produce ng tambak-tambak na mga nobelas kaya nakasalamin na lang palagi ito ng itim kahit na madilim, tuloy hindi niya nakita ang ibang klaseng films maliban sa mga massacre films na naging dahilan para binyagan siya na MASSACRE KING. Kung gayon, si

CAPARAS AY ANG HARI NG MGA NOBELISTANG PINOY (at balut?) at EMPERADOR RIN SIYA NG LAHAT NA MGA NOBELISTA SA BUONG MUNDO SA MASS PRODUCTION NG MGA NOBELAS. At saka siya rin ay ang MASSACRE KING na apo ni KONG KING. Dahil si CAPARAS ay EMPERADOR kaya dapat ACE rin siya. Punyemas, APAT na ang mga TITULOS nitong si CAPER, hhhhhhh.

Mabubuang na talaga ang mga babasa nito, hhhhhhh ……., ano? Dahil walang REYNA at aminado na si JM na si ELENA raw ay magaling na nobelista, kaya si

PATRON AY ANG REYNA NG MGA NOBELISTANG PINAY, PINOY AT KASAMA NA RIN DITO ANG MGA BALUT.

Kung meron EMPEROR at meron rin ACES, KINGS at QUEEN, kaya dapat meron rin mga JACKS o mga PAYASO sa mga komikeros, di ba? Maraming mga JACKS sa mga komikeros, PINUPURI nila sa harapan ang mga kapwa nila komikeros pero sa likuran ay HINUHUDAS ang mga komikeros ng mga DUWAG na mga jacks na ito, ngehehe….... Ang ilan sa binira ng patago ng mga jacks na ito ay sina Auggie, Wordsmith, Kapre at JM. Sa mga blogs ay takot lumantad ang mga jacks na ito kaya nagtatago sila na parang mga malignong daga na mga ANONYMICE o ANONYRATS. Galit rin sila sa mga superhero artists na tinawag nila na mga TOUGH GUYS sa lantaran pero patago raw na mga UNDERGROUND BAKLING. Kilala ko pala ang ILAN sa mga jacks na ito, hihihi, baka gusto ninyong malaman kung sino sila? Ang ISA sa kanila ay mahilig gumamit ng salitang EK-EK, pati nga sarili niya ay ini-ek-ek, at alam na siguro ninyo kung sino ito. Kung gayon,

ANG MGA PAYASO O JACKS AY MGA KOMIKEROS NA MGA ANONYMICE O ANONYRATS NA MGA DUWAG, MGA EK-EK AT MGA HUDAS PA ITO. Pag nabuwisit ako ay ibulgar ko ang mga mabahong pangalan nila dito, hhhhhhh. Pero sila ay masasabi rin na ANG MGA PAYASO NA MGA "hari" NG MGA MALIGNONG ANONYMOUS NA NAGLILIPANANG PATAGO SA MGA BLOGS NINA JM AT RANDY, hhhhhhh.

Pagdating kay SANTIAGO ay kapos ang VARIATION, DEPTH, EXAGGERATION, character TWISTING, STRETCHING, COMPRESSION at DYNAMIC TENSION sa mga drawings niya, at wala akong nakita kahit na isa sa mga dibuho niya para magulat ako sa NERBIYOS. Ordinaryo lang ang kanyang COMPOSITION, kapos rin ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY dahil hindi defined ang DIRECTIONS sa kanyang VISUAL storytelling, at wala rin akong nakitaan sa mga dibuho niya ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, REACTION SHOTS at SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Pero sa ngayon ay siya ang sikat at PINAKAMAGALING na dibuhista sa local na komiks, at saka wala akong naririnig na matunog na pangalan duon maliban sa kanya. Samakatuwid, si

SANTIAGO AY ANG HARI NG MGA KASALUKUYAN KABATAAN DIBUHISTA. Ayon sa narinig ko na itong si SANTO TIYAGO RIN AY ANG GREATEST ILLUSTRATOR. At siya rin ay ANG HARI NG MGA DIBUHISTANG KINAPOS. Dalawa rin ang titulong hari nitong si SANTIAGO pero meron bonus pa siyang isang titulo. Dahil tatlo na ang mga titulos niya kaya bigyan ko pa siya ng isang titulo na ACE ng mga komikeros. Di APAT na rin ang kanyang mga TITULOS, hhhhhhh. Kapareho na niya si Caparas dahil meron rin itong APAT na TITULOS, pero mas mataas si Caper sa kanya dahil emperador ito.

Banggitin natin ang magaling na si INFANTE. Ang mga dibuho nitong si Infante ay meron DYNAMIC TENSION, DEPTH at EXAGGERATION pero kulang lang siya sa VARIATION. Simple pero dynamic ang action sa COMPOSITION ng drawing niya, iyon lang spread niya ay madalas wala itong CENTER OF ATTRACTION. Pero ito ang artist na parang dalawa lang ang mga angulo na alam, ang low at high na mga angulos. Kaya ang tumitingin sa mga komiks drawings niya ay kung hindi ito nakatingala na tumitingin paitaas, ito ay nakayuko na tumitingin paibaba.

Wala akong nakitaan sa mga dibuho ni Infante ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS. Medyo magulo ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY kaya medyo sabog ang kanyang VISUAL storytelling na resulta ng ACTION DIRECTIONS na kalat. Kulang ang kanyang character sa TWISTING lalo na sa babae niyang drawing, kulang rin ang drawing niya sa COMPRESSION pero meron itong kaunting STRETCHING. Ito rin ang artist na tunay na masasabi na ang mga dibuho niya ay sumulong ng PAATRAS. Kung gayon o samakatuwid, therefore ito sa English, si

INFANTE AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY SUMUSULONG NG PAATRAS HABANG TUMITINGALANG TUMITINGIN SILA NA PAITAAS AT YUMUYUKONG TUMITINGIN NAMAN NA PAIBABA.

Ang mga drawings ni PERES ay may EXAGGERATION, kaya lang ang direksiyon ng kanyang exaggeration ay patungo sa saksakan ng KAPANGITAN, pero meron ATTRACTION ang mga dibuho nito. Si Gerry ay na-inlove sa ilan sa mga gawa nitong si Peres, hhhhhhhh …….. Pati nga ako ay napahanga at na-ATTRACT sa sobrang kapangitan ng mga dibuho ng taong ito, pero UNIKO ang mga gawa niya. Kaya masasabing itong si

PERES AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTANG UNIKO SA KAPANGITAN ANG MGA DIBUHO NILA.

Sa apelyido na lang nitong si AGNASIN ay maaring ang drawing niya ay TIGASIN, ehe, AGNASIN pala. Kaya ito ang dibuhista na ang stelo ng komiks drawing niya ay may posibilidad na nagsimula ito sa TIGASIN, unti-unting naging AGNASIN at sa huli ay naging FACUNDO-CONDO na lang ito, hhhhhhh ……. Therefore, sa tagalog ay samakatuwad, ehe uli, samakatuwid pala, si

AGNASIN AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA STELO NG MGA DIBUHO NILA AY MAARING NAGSIMULA ITO SA PAGIGING TIGASIN, UNTI-UNTING NAGING MGA AGNASIN ANG MGA ITO PERO SA HULI AY NAGING MGA FACUNDO- CONDO NA LANG ITO.

Part 6 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Banggitin rin itong sina TANGHAL at GONZALES. Medyo kulang sa DYNAMIC TENSION, DEPTH, EXAGGERATION, VARIATION at iba pa ang mga dibuho ng dalawang ito. Pero ang mga drawings nila ay hindi naman umurong at hindi rin sumulong, parang agos ng tubig sa ilog ang mga dibuho nila na nabara sa pagsulong. Masasabi na ang kambal na sina

TANGHAL AT GONZALES AY ANG MGA HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY NABARA SA PAGSULONG DAHIL ANG MGA ITO AY HINDI SUMULONG AT HINDI RIN NAMAN ITO UMURONG. Pero meron bang ilog na hindi gumagalaw, di sapa ang labas nito? Huling balita ko dahil nabara kaya hanggan ngayon ay NAGTATAMPISAW pa itong si lolo TANGHAL sa isang maganda at malalim na sapa, hhhhhhh.

Ang mga stelo ng mga debuho ng mga gurang na sina CRUZ at GEROCHE ay medyo hawig ng kaunti, at parang mga tuko ang mga dibuho nila na mahigpit na nakakapit sa kanilang mga panahon. At sa inis ng mga panahon na ito sa mga dibuho nila ay iniwanan mismo silang dalawa, hhhhhhh. Ang dibuho pala ni Geroche ay magaspang ang brush strokes kung ikumpara ito kay Cruz, pero ang expressions naman ng mga character drawings nitong si Cruz ay sobrang lamlam na mas grabe pa ang mga ito sa lamlam ng mga expressions ng mga character drawings ni Nebres. Itong si Cruz at Geroche ay ORDINARYO lang ang mga dibuho nila na mga kinapos sa mga pamantayan ng mga prinsipiyong binanggit ko. Magkagayon man, itong sina

CRUZ AT GEROCHE AY ANG MGA HARI NA SA SOBRANG KAPIT TUKO NG MGA DIBUHO NILA SA KANILANG MGA PANAHON AY NAINIS ANG MGA ITO AT INIWANAN MISMO SILA NG KANILANG MGA PANAHON.

Ang isa sa mga pinaka-paborito kung dibuhista nuong bagito pa ako ay itong si PANALIGAN. Ang tingin ko sa drawing niya nuon ay maihahambing ko ito sa isang parang PALASYO. Ngayon beterano na akong dibuhista ay nagbago na ang paningin ko sa mga dibuho, ng makita ko uli ang drawing niya ay maihahalintulad ko na lang ito sa parang isang BAHAY NA ORDINARYO pero gawa naman sa bato. At kulang rin ang EXAGGERATION, DYNAMIC TENSION, VARIATION at iba pa sa mga dibuho niya. Kaya si

PANALIGAN AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA NUON AY MAIHAHALINTULAD SA PARANG MGA PALASYO KUNG TINGNAN ANG MGA ITO, PERO KUNG TINGNAN ITO NGAYON AY PARANG ORDINARYONG MGA BAHAY LANG PALA ITO PERO GAWA NAMAN SA BATO.

Meron three musketeers sa mga komikeros, ito ay sina LOFAMIA, PATRICIO at saka si CHAN. Pero ito ang mga musketeers na natutulog sa iba’t-ibang moskitiros dahil ayaw nilang makagat ng mga lamok na mosquitoes, hhhhhhh.

Gusto ko ang mga dibuho nitong si Lofamia dahil ORIGINAL, CREATIVE at DECORATIVE ang stelo niya, iyon lang ang mga drawings niya nuon hanggan ngayon ay pareho pa rin, parang nabara na kagaya sa mga illustrations nina Tanghal at Gonzales. Ito naman si Patricio ay bilib rin ako sa mga drawings nito nuong tatanga-tanga pa ako sa pagguhit ng komiks, pero ngayon ng tingnan ko ang mga dibuho niya ay para bagang bumabata ito habang siya ay tumatanda, UMURONG ang mga dibuho niya. Pero mas grabe itong si Chan dahil KUMARIPAS PAATRAS ng takbo ang kanyang mga dibuho. Kung gayon, sina

LOFAMIA, PATRICIO AT CHAN AY MGA HARING TRES MUSKETEROS NA SA ESKRIMA NG MGA DIBUHO ANG UNA AY HINDI GUMALAW NA PARANG BULTO, ANG PANGALAWA AY GUMAPANG NA KAGAYA NG PAGONG NA PABALIK, AT ANG PANGATLO AY PAATRAS NA KUMARIPAS NG TAKBO NA KASINGBILIS NG KABAYO, hhhhhhh …….

Itong si “Apo” NORIEGA nuong bagito pa rin ako ang tingin ko sa dibuho niya ay walang ibubuga ito. Pero ngayong beterano na ako, hindi sa giyera, at tiningnan ko uli ang drawing niya ay parang aserong bakal pala ito na pudpod na sa kalawang at hindi na kikinang kailanman dahil palaging nakalublub ito sa putikan. O ang dibuho niya ay maihahambing rin sa madungis pero marikit na si Kurdapya na nakukulapolan palagi ng maitim na uling dahil ito ay palagi rin nasa kusina. Pero, teka, lolo ba nitong si Apo iyong si Noriega na taga Panama? Magkagayon, masasabing si

“APO” NORIEGA AY HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY PARANG MARIRIKIT NA MGA DALAGA NA HINDI PINAPANSIN DAHIL PALAGING NASA KUSINA SILA NA PUNO NG MGA ULING ANG MGA MUKHA AT DAMIT NILA NA KAGAYA NI KURDAPYA.

Sa lahat ng mga art directors na mga dibuhista ay walang kapantay itong si ANCHETA dahil mas matalas pa ang mga mata nito sa mga mata ni Kapre sa pagsipat ng mga bagito na may ibubuga. Samakatuwad, ehe, samakatuwid pala na sa latin ay ergo, ito lang si

ANCHETA ANG HINDI KAPRE PERO HARI SIYA NG MGA ART DIRECTORS NA MGA KAPRE.

Sa mga cartoonista naman ang marunong sa EXAGGERATION ay itong si MARTIN. Adelantado ang kaisipan ng taong ito pagdating sa EXAGGERATION, samantalang MANGMANG at IGNORANTE pa ang mga kasabayan niyang mga cartoonista pagdating dito. Itong mangmang at ignorante ay pareho ang ibig sabihin, ginamit ko lang na sabay ang dalawang salitang ito para MADIIN ng husto at MAINIS sa inggit ang ibang mga cartoonista, hhhhhhh. Puwedeng isabak ng sabayan ang stelo ng cartoon ni Martin sa GLOBAL na mga cartoons. Kaya si

MARTIN AY ANG HARI NG LAHAT NA MGA GURANG AT BATA NA MGA CARTOONISTA.

Hindi dapat makalimutan ang pinakasikat na cartoonista kuno sa lahat na si ALCALA. Sa punto ng cartoon exaggeration ng drawing lang, mas magaling si Martin kaysa kay Alcala. Pero anak ng tigre na naging kuting ayon kay Nebres, ang mga drawings nitong si Alcala ay kapos sa cartoon at kulang naman sa caricature. Kaya si

ALCALA AY ANG HARI NG MGA CARTOONISTA NA KINULANG AT KINAPOS.

Punta naman tayo sa sikat na si NINO. Magaling si Nino sa COMPOSITION at saka sa CONTRAST ng mga multiple levels ng mga backgrounds niya na may mga shadings na nagbibigay ng DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE, pero minsan FLAT naman tingnan ang mga dibuho niya kung sumobra ang mga blacking ng kanyang mga shadings. Sa lahat ng mga dibuhista, ito lang si Nino ang nakitaan ko sa mga drawings niya na marunong gumamit ng CENTER OF ATTRACTION. Mga kabataan pag-aralan ang mga gawa ni Nino dito.

Pero por diyos, por diyes, por singko, por santo & santita, bigyan mo si Nino ng storya na horror, adventure, drama, superhero, romance, fantasy, comedy at iba pa, ang labas ng mga dibuho niyang mga characters ay halos palaging parang mga ASWANG, BANGKAY at KALANSAY na may pagka-PORNO pa minsan, huhuhu na ito. EXAGGERATED naman ang mga aswang, bangkay at kalansay niya na halos mga caricatures na ang mga ito. Meron katingting na DYNAMIC TENSION ang mga dibuho niya, meron rin itong STRETCHING, sobrang stretching. Kaya lang walang VARIATION, walang COMPRESSION at wala rin TWISTING ang mga characters niya.

Ang mga facial expressions ng mga drawings ni Nino ay kagaya rin kina Coching, Redondo, Alcala, Nebres, Cruz at iba pa na mga MALALAMLAM sa KAPUNGAYAN ang mga mata kahit na galit, gulat, seryoso, umiiyak, nalulungkot o masaya ang mga ito. PANGIT rin ang drawing na babae ni Nino dahil marahil parang witch ito, hhhhhhh. Hindi ko rin nakitaan ang mga drawings niya ng tamang paggamit ng ACTION DIRECTIONS, DIRECTIONAL CONTINUITY, SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION SHOTS kaya tuloy hindi epektibo ang kanyang VISUAL storytelling.

At ang gulo rin ng visual storytelling ni Nino na hindi maintendihan ang storya kung hindi babasahin ang mga captions at dialogues dahil ang layout ng mga characters at elementos ng kanyang composition ay nagsusulpotan kung saan-saan na parang mga HILONG-TALILONG na mga lasing na nakainom ng mga KUWATRO-KANTOS, hhhhhhh. Ang mga dibuho rin ni Nino ay visually ARTISTIC lang, hindi ito CINEMATIC at TECHNICAL. Pero masasabing si

NINO AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY HALOS PALAGING PARANG MGA KAASWANGAN, KABANGKAYAN AT KAKALANSAYAN LANG NA MAY PAGKA-PORNO PA KUNG MINSAN.

Part 7 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Para may rikado ay ilihis uli ang usapan, isali ang pinakasikat raw nuon sa komiks na si RAVELO. Sabi ng iba diyan ay KOMIKS KING kuno itong si Ravelo, pero bakit WALA SIYANG KORONA, SCEPTRO at TRONO? Sabagay, siya at ang ibang mga hari ay meron mga KOMIKS NA MGA KAHARIAN. Sabi ng iba na sa mga nobela nitong si Ravelo na kung ano raw ang nakasulat na sinasabi niya sa kanyang caption o dialogue ay iyon rin ang halos dino-drawing ng mga artists niya. Halimbawa, sabi sa caption o dialogue, “... lumipad si Daraga,” ang drawing na makikita ay lumilipad si Daraga. Lumalabas tuloy na ang mga nagbabasa ng kanyang komiks na mga storya ay parang HINDI MARURUNONG MAGBASA at MARURUNONG LANG TUMINGIN kaya ipinapakita pa ang drawing na pareho sa sinasabi sa caption o dialogue. At ang kanyang mga dibuhista ay madalas na depende lang daw sa kanyang mga guides, captions at dialogues kaya ang kanilang mga IMAHINASYON ay na-BLANCA dahil parang naging MGA ALIPIN ang mga utak nila. Kaya si

RAVELO AY ANG KOMIKS KING NA WALANG KORONA, SCEPTRO AT TRONO, at siya rin ay ang HARI NG MGA NOBELISTA NA ANG MGA BUMABASA SA KANILANG MGA STORYA AY PARANG HINDI MARURUNONG BUMASA AT MARURUNONG LANG TUMINGIN ITO. AT ANG MGA IMAHINASYON NG KANILANG MGA DIBUHISTA AY NA-BLANCA DAHIL NAGING MGA ALIPIN ANG MGA UTAK NILA. Dalawa lang ang titulong hari ni Ravelo pero mas marami si Caper dahil apat ang titulo nito at mas mataas rin sa kanya dahil emperador pa itong si Caparas, hhhhhhh.

Si AGUIRRE ay isa sa mga sikat na dibuhista nuong kanyang kapanahunan. Pero iyong mga nagsusulat kuno ngayon ng historya ng komiks ay kailanman hindi nila nababanggit itong dibuhistang ito. Por qua que? Paano kasi siya ay nakalimutan. At si CASTRILLO, iba ito kay Fred, ay nakalimutan rin kagaya ni Agurre. Di kung gayon, itong si

AGUIRRE AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALANG MGA KAHARIAN MAPUNTAHAN KAYA SILA AY KINALIMUTAN NA LANG. AT SI CASTRILLO AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALA RIN MGA KAHARIAN DAHIL SILA AY NAKALIMUTAN NG MAKALIMUTIN MGA KAHARIAN.

Hindi dapat makalimutan ang dakilang si ALCALA, hindi ito ang cartoonistang si Alcala. Medyo may EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang mga gawa niya pero KULANG pa rin ito kaya medyo kumulang ang hagupit ng kanyang action. Pangkalahatan, hindi masyadong maganda ang mga COMPOSITIONS ng kanyang
mga spreads na madalas pa hindi defined ang mga CENTER OF ATTRACTIONS. Walang TWISTING, COMPRESSION at STRETCHING ang kanyang mga characters. Hindi ko nakitaan ng DIRECTIONAL CONTINUITY ang kanyang komiks VISUAL storytelling dahil sala ang kanyang mga ACTION DIRECTIONS. Hindi ko rin nakitaan na gumagamit siya ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS.

Ang VISUAL STORYTELLING ni Alcala ay atrasado na na makaluma pa ang pananaw dahil ARTISTIC lang ang mga dibuho niya at hindi ito CINEMATIC at TECHNICAL, at hindi rin naabot ng mga dibuho niya ang mga pamantayan ng ilan sa mga PRINSIPIYONG binanggit ko.

Medyo malamlam rin tingnan ang mga expressions ng mga characters ni Alcala. At kagaya rin ni Nebres, ang mga dibuho niya ay walang VARIATION ang mga textures ng lahat ng mga bagay kaya tuloy nawalan ng DEPTH saka DISTANCE ang kanyang PERSPECTIVE. Pero magaling si Alcala sa BUTINGTING, maraming matutuhan ang mga kabataan sa BUTINGTING niyang ito. Minsan ginamitan ko ng magnifying glass ang drawing ni Alcala at may nakita akong drawing na kuto na puno rin ng BUTINGTING, hhhhhhh ……., BIRO lang Ito. Ito rin pala ang artist na ang balita ko ay hindi raw natutulog at puro lang dibuho ang inaatupag, o sa ibang mga salita, kung nagdidibuho raw ito ay sinasabayan ng tulog na nakabukas ang mga mata, hhhhhhh …..... Di gising ito? Kaya itong si

ALCALA AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA MGA TULOG DAW PERO NAKABUKAS NAMAN ANG MGA MATA NILA HABANG BINUBUTINGTING ANG KANILANG MGA DIBUHO. Ang kulit talaga ninyo, GISING silaaaaa!

Si JM LEE ay ang manunulat at dibuhista na hanggan ngayon ay NAGDADALAMHATI pa na maaaring ang dahilan ay diniborsyohan siya ng kanyang mga kuwento at dibuho ng pumunta siya sa Canada. Umiiyak ito palagi sa kalungkutan pero WALA NAMAN MGA LUHANG pumapatak, hehehe, patay ako nito kay JM. Para maaliw ang sarili niya ay gumawa siya ng blog na kung saan naglilipana duon ngayon ang mga ala-malignong ANONYMICE at ANONYRATS. Kaya si

JM LEE AY ANG HARI NG MGA ALA-MALIGNONG ANONYMICE AT ANONYRATS. SIYA RIN ANG HARI NG MGA MANUNULAT AT DIBUHISTA NA SA KANILANG MGA KALUNGKUTAN AY UMIIYAK NA WALA NAMAN MGA LUHA NA PUMAPATAK NA ANG DAHILAN AY NILAYASAN AT DINIBORSYOHAN KASI SILA NG KANILANG MGA KUWENTO AT DIBUHO.

Si SAMONTE ay ang artist na hindi rin dapat makalimutan. Ito ang artist na collector ng mga dibuho ng mga sikat na dibuhista sa komiks para tingnan at magaya niya ang mga gawa nila at para rin maging dibuhista sa komiks siya. Kambal ito ng komiks collector rin na si SURTIDA. Nasobrahan yata nitong si Samonte ang katitingin lang sa komiks kaya nakalimutan niyang gayahin ang mga gawa ng mga dibuhistang tinitingnan niya, ang resulta ay hanggan ngayon ay tumitingin pa rin siya, hhhhhhh……. Therefore, english ito ng samakatuwid, si

SAMONTE AY ANG HARI NG MGA ARTISTS NA DAHIL SA SOBRANG KATITINGIN NILA SA MGA DIBUHO SA KOMIKS AY NAKALIMUTAN NILANG MAGING MGA DEBUHISTA DAHIL HANGGAN NGAYON AY TINGIN NG TINGIN PA RIN SA MGA DIBUHO SA KOMIKS ANG ALAM LANG NILA.

Leksiyon sa mga gustong maging dibuhista, walang mangyayari sa inyo kung puro lang mga tingin sa mga komiks ang alam ninyo.

Ito naman si SURTIDA ay halos alam ang lahat na mga SEKRETOS tungkol sa komiks, pati iyong mga storya sa komiks at mga komiks na lagpas pa yata sa kapanahonan ni Mahoma ay alam at meron yata siya. Collector rin kasi ito ng LAHAT NG MGA KOMIKS, hindi ko lang matiyak kung pati ang TIKTIK ay kinulekta nito, hihihi. Kaya masasabing itong si

SURTIDA AY ANG HARI NG MGA COLLECTORS NG MGA KOMIKS NA SA KALUMAAN AY LAGPAS PA SA KAPANAHONAN NI MAHOMA NA NGAYON AY MGA INAAGNAS NA AT INAAMAG PA.

Hohoho na ito na parang si Santa Klaus. Ito naman si SANTANA, walang relasyon ito kay Santa Ana, ay wala sa sipat ng radar ko. Nagtampo yata ang EXAGGERATION, DYNAMIC TENSION at halos lahat sa mga drawings niya na parang sala rin sa maraming mga bagay na nakalista sa mga kodigo sa komiks, pero sikat ito sa atin nuon. Kaya itong si

SANTANA AY ANG HARI NA WALANG PINAGHAHARIAN DAHIL NAGTAMPO ANG MGA KAHARIAN SA KANYA.

Part 8 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Isa sa paborito kong dibuhista nuon ay itong gurang na si TORRES. Simple masyado ang kanyang COMPOSITION, at walang TWISTING, COMPRESSION, STRETCHING, VARIATION at DYNAMIC TENSION ang kanyang mga komiks characters. Sa tingin ko ay hindi masyadong tama ang DIRECTIONAL CONTINUITY ng kanyang komiks VISUAL storytelling dahil hindi ko masyadong masundan ang nakatuturete at paiba-iba niyang mga DIRECTIONS.

Kulang sa DEPTH at saka DISTANCE ang kanyang PERSPECTIVE, at napansin ko rin na walang SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS ang mga dibuho niya. Meron MAHINHIN na EXAGGERATION ang mga gawa ni Torres. Pero naman, ang drawing niya ay ang siyang masasabing TUNAY NA PINOY ang style. Kaya si

TORRES AY ANG HARI NA ANG MGA DIBUHO NIYA AY MASASABING TUNAY NA PINOY. Hindi kasama sa pinoy na ito ang balut, hhhhhhh.

Maisingit nga itong writer at director na si MAKILING. Pogito ito nuong nasa Wow komiks pa kami. Kapatid kaya ito ni Maria Makiling? Pero bakit tumanda na ito ng husto ngayon na para ng “LOLO” ni Kapre? Bakit, meron bang bumabata habang tumatanda? Si Kapre lang yata ang nagiging HUKLUBAN habang BUMABATA, hhhhhhh. Ang gulo, ano? Magkagayon man, itong si

MAKILING AY ANG HARI NG MGA “LOLO” NG MGA KAPRE NA MGA WRITERS AT DIRECTORS.

Pero itong si RIVAL ay hindi yata tumanda, hanggan ngayon ay MASKULADO pa rin ito. Mga kabataan, gayahin itong si Rival na MAYAMAN para humaba ng husto ang buhay pero iwasan lang na KARIBALIN ito. Ito pala ang artist na MASKULADO pero EMASKULADO ang mga drawings niya dahil hindi ito sumabay ng tumakbo ng paabante ang panahon. Kaya itong si

RIVAL AY ANG HARI NG MGA MAYAYAMAN DIBUHISTA NA TIGASIN PA NA KARIBAL PERO MGA MASKULADO SILA NA MGA EMASKULADO ANG KANILANG MGA DIBUHO DAHIL HINDI SILA SUMABAY NG TUMAKBO NG PAABANTE ANG PANAHON.

Si CARRILLO ay kulang ang EXAGGERATION sa mga dibuho niya at wala rin DYNAMIC TENSION ang kanyang mga komiks characters. Siya at si Nebres ay halos magkasingtaas lang silang dalawa, pero ang drawing ni Nebres ay EXAGGERATED ang proportion ng tao samantalang ang drawing naman na tao ni Carrillo ay UNDERSTATED. Maliwanag na walang relasyon ang taas ng isang dibuhista sa proportion ng tao na dibuho niya, HHHHHHH.

Simple rin ang COMPOSITION ng mga drawings ni Carrillo, at walang TWISTING, COMPRESSION, STRETCHING at VARIATION ang kanyang mga characters. Sa tingin ko ay hindi rin masyadong tama ang DIRECTIONAL CONTINUITY ng kanyang VISUAL storytelling dahil magulo ang kanyang ACTION DIRECTIONS. Kulang sa DEPTH at DISTANCE ang kanyang PERSPECTIVE dahil hindi masyado ang CONTRAST ng mga levels ng kanyang mga backgrounds, at hindi ko rin nakitaan ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, SYMBOLIC PANELS & ANGLES at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS ang mga dibuho niya.

Ang style ng dibuho ni Carrillo ay hango sa style ni Coching, pero nagkaruon siya ng sariling stye na hindi kagaya ni Javinal. Kung ikumpara sa dalaga, ang drawing ni Carrillo ay hindi ito pangit tingnan, hindi naman maganda, hindi sexy, hindi mataba at hindi rin payat, at saka hindi rin maskulado ito na parang barbelistang babae. Sa maikling salita ay parang ordinaryong dalaga lang ito na dumaan at tiningnan ng mga binata pero paglagpas niya ay nakalimutan kaagad. Sasabihin lang na ORDINARYO ay nagpaikot-ikot pa, ano? Maliwanag na itong si

CARRILLO AY HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG KANILANG MGA DIBUHO AY MGA ORDINARYO NA PARANG MGA DALAGANG DUMAAN ITO SA HARAP NG MGA BINATA AT NAKITA NILA SILA PERO PAGLAGPAS AY HINDI NA SILA NAALAALA.

Si JAVINAL naman ay ang masasabing tunay na CLONE ni Coching, pati maling drawing na kabayo ni Coching ay kinopya nito. May ibubuga ang taong ito kung naglakas-loob lang siya na humiwalay kay Coching. At may mga dibuho nga itong si Javinal na minsan ay mas pulido pa sa mga gawa ni Coching. Pero, mga kabataan, ingatan mangupya ng TODO-TODO sa mga idolo ninyong mga dibuhista dahil ang CLONED na mga artists ay WALANG MGA ANINO. Samakatuwid, si

JAVINAL AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALANG MGA ANINO DAHIL ANG KANILANG MGA ANINO AY KINAIN NG ANINO NG KANILANG IDOLO.

At si RODRIGUEZ ay maraming humahanga sa mga drawings niya dahil maganda raw ang mga drawings nito, pero ang totoo kung sipatin ng mabuti ang kanyang mga dibuho ay medyo mga TABINGI ito. Tanungin mo itong mga bubuyog na tagahanga ng dibuhistang ito kung bakit? Hindi nila alam ang sagot, basta gusto lang nila. BLEH! Ang SEKRETO ng artist na ito ay dahil meron EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang mga dibuho niya. Kaya lang simple ang COMPOSITION ni Rodriguez, tuloy parang kulang ang DEPTH at DISTANCE ng PERSPECTIVE sa kanyang mga drawings.

Meron COMPRESSION at STRETCHING pero walang TWISTING at VARIATION ang mga dibuho na characters ni Rodriguez. Magulo tingnan ang DIRECTIONAL CONTINUITY ng kanyang VISUAL storytelling dahil magulo ang DIRECTIONS ng actions niya at dahil rin hindi ko nakitaan na gumagamit siya ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS na kailangan sa pagbabago ng ACTION DIRECTIONS. At wala rin akong nakitang gumamit siya ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS.

Ang drawing pala ni Rodriguez ay pinaghalong realistic at cartoon, parang namamangka siya sa dalawang ilog na may magkaibang direksiyon. Natataranta ang stelo ng drawing niya na palukso-lukso sa dalawang bangka sa dalawang ilog na ito, at hindi malaman kung realistic o cartoon ang direksiyon na kanyang pupunteryahin. Kaya itong si

RODRIGUEZ AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA NATATARANTANG NAMAMANGKA SILA SA DALAWANG ILOG NA MAY MAGKAIBANG DIREKSIYON.

Part 9 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Paano na itong si YANDOC? Ang mga drawings ng dibuhistang ito ay kinulang sa lahat, pero SINOBRAHAN naman niya ang mga ito ng husto sa EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION kaya tuloy ay para ng mga CARICATURES ang labas ng kanyang mga drawings. Naging mga SUPER BALUKTOT na at SUPER TABINGI pa ang mga dibuho niya na ATTRACTIVE naman kung tingnan ito. Maliwanag na itong si

YANDOC AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTANG NABALUKTOT NA AT NATABINGI PA NG HUSTO ANG KANILANG MGA DIBUHO DAHIL SA SOBRANG EXAGGERATION AT DYNAMIC TENSION.

May isang komikero na dapat rin daw gawin hari dahil meron kuno na EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang dibuho niya, si COMENDADOR ito. Ang problema lang ay wala sa kodigo ng tamang pag-drawing ang kanyang exaggeration, dynamic tension at iba pa. Pero sabi kasi ni KC na itong si Comendador daw dahil sa sobrang PUWERSA kuno ng exaggeration at dynamic tension sa drawing niyang kabayo ay naging parang Kamelyo ito, hhhhhhh.

Kagaya itong si Comendador ni Yandoc na sabi naman ni JM na dahil sa super PUWERSA rin kuno ng exaggeration at dynamic tension sa kanyang drawing na kabayo ay nabaluktot at natabingi ito kaya naging mukhang tao. Dalawa na rin ang titulong hari nitong si Yandoc, hindi mainggit sa kanya itong si Caper dahil meron apat na titulo na ito. Magkagayon man, itong sina

COMENDADOR AT YANDOC ULI AY MGA HARI NA DAHIL SA SOBRANG MGA PUWERSA KUNO NG KANILANG MGA EXAGGERATIONS AT DYNAMIC TENSIONS SA KANILANG MGA DRAWINGS, HALIMBAWA, NA MGA BUWAYA AY NAGING PARANG MGA BUTIKI NA ITO, hhhhhhh. Grabe talaga, umiba at napaliit pa nila sa sobrang puwersa, ano?

Ah, ang panghuli ay ang matandang si FERNANDEZ. Ito ang dibuhista na nobelista pa, pero predictable ang stelo ng mga dibuho niya. Kulang rin sa EXAGGERATION, kulang sa DYNAMIC TENSION at kulang sa lahat ang mga drawings niya. Mas creative naman si Carrillo kaysa kay Fernandez dahil hindi nag-improve ang mga drawings nito, palaging pareho at palaging nanduon lang ito. Kaya si

FERNANDEZ AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA DINATNAN AT INIWANAN NA NG MARAMING PANAHON.

Ang huli pa sa huli ay si HENSON. May EXAGGERATION ng kaunti, meron STRETCHING at COMPRESSION ang mga drawings niya, pero walang DYNAMIC TENSION at wala rin halos iyong iba pa. Parang cartoon ang style ng mga drawings ni Henson na may pagka-moderno. Ito ang dibuhista na nagpipilit na maging realistic illustrator pero ang labas palagi ng mga drawings niya ay mga cartoons. Kung gayon, si

HENSON AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA NATUTURETE NA NG HUSTO SA KAPIPILIT NA MAGING MGA REALISTIC ARTISTS SILA PERO CARTOONS PALAGI ANG LABAS NG KANILANG MGA DRAWINGS.

Ang panghuli sa huli at sa huli pa ay si SANTOS, mahilig ang lolong ito sa detective na mga storya. Ang mga drawings ng dibuhistang ito ay meron EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION pero iyong iba ay halos wala rin ito. Terible ang anatomy ng mga characters ni Santos, nag-imbento kasi ito ng sarili niyang anatomy na wala sa kodigo ng mga drawings. Pero lintik, magaling na portrait oil painter itong si Santos. Ang masaklap lang dahil panghuli sa huli at sa huli pa kaya itong si

SANTOS AY ANG HARI NA NAUBUSAN NG KAHARIAN.

Hindi pa pala huli, meron pang ibang mga humahabol sa nahuhuling si Santos. Ito ay ang mga matatanda at mga kabataan komiks artists na hindi ko nabanggit. Gusto rin nila na maging mga hari-harian, tuloy NATAKOT ang ilan natitirang mga KAHARIAN sa kanila dahil sa dami nila na parang mga MULTO na walang mga anino, mga CLONES rin kasi sila. Kaya sila ay

ANG MGA CLONES NA MGA HARI NA KINATAKUTAN NG MGA KAHARIAN DAHIL PARA SILANG MGA MULTO NA WALANG MGA ANINO.

Isama natin itong si ALANGUILAN. Arkitekto ito na naligaw sa komiks. Simple ang kanyang mga drawings at simple rin ang kanyang mga COMPOSITIONS na may pagka-arkitekto ang mga backgrounds. Kulang sa EXAGGERATION, kulang sa DYNAMIC TENSION, kulang sa DEPTH, at kulang rin sa VARIATION ang mga drawings nito, at marami pang ibang mga kulang. Kaya si

ALANGUILAN AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA KINULANG ANG KANILANG MGA DIBUHO.

Kailangan banggitin itong si PORTACIO dahil ito yata ang pasimuno ng mga kabataan pinoy ngayon na mga KOPYADORES ng mga superheroes na naninigas. Sa vista ko ay umiikot lang ang drawings nito sa GALIT NA GALIT at BULLDOG PERO MASKULADO na mga superheroes na kahit naka-relax ang mga ito ay NANINIGAS NG HUSTO kung tingnan na parang HINDI MAKATAE dahil parang mga TINUTUBOL ito. Ito rin ang artist na hanggan ngayon sa tingin ko ang babae niya ay para bagang balangkinitan na barbelistang lalaki na nilagyan lang ang dibdib nito ng bra, at ang pose rin nito ay naninigas na para rin hindi makatae. HHHHHHH.

Pero may DYNAMIC TENSION, EXAGGERATION, COMPRESSION at DEPTH ang mga drawings niyang mga superheroes, ang problema lang ay wala itong VARIATION at TWISTING, at kulang ang STRETCHING ng mga ito. Kulang rin ang illusion ng 3D at DISTANCE ng kanyang PERSPECTIVE dahil simple ang backgrounds niya, hindi ito kumplikadong multiple levels na backgrounds na may CONTRAST. Ang sekreto ng TWISTED PERSPECTIVE ay hindi pa niya kabisado dahil palaging simple ang kanyang COMPOSITION. Magulo at sabog ang spread ng kanyang LAYOUT lalo na kung maraming elementos ito kaya hindi maganda tingnan ang kanyang composition na minsan ay wala pa itong CENTER OF ATTRACTION. At ang mga characters niya sa kanyang drawing composition na PANORAMIC SPREAD kung tingnan ito ay parang mga lasing na rockers na nakainom ng SIOKTONG at nagrarambulan sa gulo sa stage, hhhhhhhiiiiiii.

Halos ang komiks panels niya ay maraming NEUTRAL SHOTS na hindi naman mga TRANSITION SHOTS ng mga DIRECTIONS ng mga actions ng mga characters na nagpagulo pa sa magulo na na mga directions sa kanyang komiks drawings, tuloy walang DIRECTIONAL CONTINUITY ang kanyang VISUAL storytelling na hindi rin maintendihan kung titingnan lang ito dahil nga sa gulo. Dynamic tingnan ang ibang action NEUTRAL SHOTS ng mga covers niya pero ang iba naman ay parang FROZEN at FLAT tingnan ang mga ito dahil hindi rin niya masyadong kabisado ang mga SUBTLE DIRECTIONS na kailangan sa ganitong mga shots. Sa tingin ko sa mga dibuho niya ay hindi rin niya masyadong kabisado ang tamang paggamit ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES at REACTION SHOTS.

ARTISTIC ang mga dibuho ni Portacio, iyon lang, hindi ito CINEMATIC at TECHNICAL at hindi rin naabot ng dibuho niya ang ilan sa mga PRINSIPIYONG pamantayan na binanggit ko kaya tuloy hindi puwedeng sabihin na abanti na may makabagong pananaw ang VISUAL STORYTELLING niya. Pero itong si Portacio ay ginaya ang CLONER na si Redondo, nag-clone rin ito ng mga kabataan superhero artists ngayon. Samakatuwid, si

PORTACIO AY ANG HARI NA CLONER RIN AT GINAYA NIYA SA CLONING ANG CLONER NA HARI NA SI REDONDO DAHIL NAG-CLONE RIN ITO NG MGA KABATAAN NGAYON NA MGA KOPYADORES NA ANG MGA DIBUHO AY MGA SUPERHEROES NA MGA TINUTUBOL.

Part 10 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Itong sikat na si YU ay hindi rin dapat makalimutan, clone ito ni Portacio, hhhhhhh. Iyong mga sinabi ko tungkol sa mga dibuho ni Portacio sa itaas ay APLIKABLE sa mga drawings ni Yu, o halos lahat ng mga drawings ni Yu ay hawig sa mga gawa ni Portacio lalo na sa COMPOSITION ng drawing. Ang kaibahan lang ay ang mga superheroes ni Portacio ay mas mga bulldog na maskulado at mas galit na galit palagi ang mga expressions ng mga mukha kung ikumpara ang mga ito sa mga drawings ni Yu. Pero ang babae naman na drawing ni Yu ay medyo mabuti ng kaunti kaysa kay Portacio kaya lang naninigas ito na parang tinutubol rin, wala rin itong feminine TWISTING. At napansin ko rin na ang drawing na babae ni Yu ay para bagang proportion ng LAMGAM dahil ang ulo at balakang ay malalaki at medyo maliliit naman ang mga braso at hita nito, hhhhhhh. Kung gayon, itong si

YU AY ANG HARI NA CLONE NI PORTACIO AT ANG KANYANG ANINO AY ANINO RIN NI PORTACIO.

Sa mga kabataan komikeros ay ito lang si VALIENTE ang matapang sa lahat. Por qua? Natural na matapang ito dahil “valiente” kuno ito. Ang background COMPOSITION nito ay nasa tamang direksiyon na meron illusion ng DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE. Ang susunod na kailangan rin niyang kabisahin ay kung paano gumawa ng composition ng drawing na meron MULTI-LEVEL BACKGROUNDS na may TWISTED PERSPECTIVE.

May kaunting EXAGGERATION, pero walang DYNAMIC TENSION at wala rin TWISTING, COMPRESSION at STRETCHING ang mga characters nitong si Valiente. Sa VISUAL storytelling ay kailangan rin niyang kabisahin ang tamang paggamit ng TRANSITION SHOTS, REACTION SHOTS, SYMBOLIC PANELS & ANGLES at DIRECTIONAL CONTINUITY. Pero masasabing itong si

VALIENTE AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA SA DARATING NA MGA ARAW ANG MGA DIBUHO NILA AY ANG MGA PINAKA-“VALIENTE,” PERO SA KASALUKUYAN ANG MARAMING MGA DRAWINGS NILA AY MGA “COBARDE” PA.

Ang mga drawings na mga superheroes ng ibang mga kabataan dibuhista ngayon na mga KOPYADORES ng parang SUMABOG kung tingnan na mga superheroes ng mga kano ay NANINIGAS rin ang mga ito dahil parang KINUKURSO ito pero hindi makatae dahil iyon pala ay nabara ng mga TUBOL ang mga butas nila. HHHHHHH. Kaya masasabing sila ay

ANG KOPYADORES NA MGA HARI NA ANG MGA DRAWINGS NA MGA SUPERHEROES NILA AY NANINIGAS RIN DAHIL PARANG KINUKURSO ANG MGA ITO PERO HINDI MAKATAE DAHIL MERON MGA TUBOL NA NAKABARA SA MGA BUTAS NILA.

WARNING SA MGA DIBUHISTA, ang sinuman na kopya ng kopya sa gawa ng iba ay magsisilbing parang TUBOL itong kanyang pangungupya na BABARA sa kanyang imahinasyon, hhhhhhh, ang labas tuloy ay parang mga TAE na walang kwenta ang mga dibuho niya.

Iyon naman ibang mga kabataan dibuhista ngayon na mga KOPYADORES rin ng TINGTING na mga drawings na manga ng mga hapon ay mga pinoy ito na gustong maging MGA HARING HAPON. Natataranta at natuturete pa ang mga dibuhistang ito dahil hindi nila malaman kung PINOY, BALUT o HAPON sila. Sila ay

ANG MGA HARI NA NATATARANTA NA AT NATUTURETE PA DAHIL HINDI NILA MALAMAN KUNG MGA PINOY, BALUT O HAPON SILA. O baka MGA HARI NA MGA BUGOK NA ITLOG ang labas nila, hhhhhhh.

Meron ILAN mga ANONYMOUS na ANONYMICE o ANONYRATS na mga komikeros na MAKAKALIWA kuno sila pero ang totoo ay MAKAKANAN rin sila na mga ELITISTA pa na nadikdik ng husto sa mga tuktok nila ang MENTALIDAD na COLONIAL at ALIPIN. Naglilipana sila sa blog ni JM na parang mga MALIGNO, hhhhhhh, at lantaran ipinahahayag ang PAGSAMBA nila sa mga puting komikeros na sina Hogarth, Dorn, Hamm, Eisner, McCloud at iba pa na ginagawang mga DIYOS-DIYOSAN nila. Kontrang-kontra ang mga anonymous na ito sa COMICS WORLD DOMINATION ng mga pinoy na pangarap ni Surtida, mga komikeros rin ito pero ayaw nila sa kapwa nila mga komikeros na mga superhero artists na tinawag nila na mga “tough guys” kuno na pakitang tao pero ang totoo daw ay palihim na pailalim sila na mga “underground bakling.”

Sinabi ng mga elitistang anonymous na ito na itong si Hogarth ay siya raw ang unang nagturo ng DYNAMIC TENSION. Ang alam kung sinulat na libro nito at kanyang itinuro ay tungkul sa DYNAMIC FIGURE DRAWING at hindi tungkol sa DYNAMIC TENSION. Kaya wala akong nakitaan na dynamic tensions sa mga drawings niya na kulang rin sa EXAGGERATION. Napansin ko na hindi rin masyadong defined ang DIRECTIONS at DIRECTIONAL CONTINUITY sa kanyang mga dibuho, at na-vista ko rin na walang SYMBOLISM ang kanyang mga PANELS at ANGLES. Ang resulta tuloy sa kabuoan ay hindi epektibo ang kanyang VISUAL storytelling. Ganoon rin halos ang mga napansin ko sa mga dibuho ni Eisner na may pagka-cartoon pa ang stelo ng drawing nito. ORDINARYO lang ang mga dibuho ng dalawang artists na ito. Pero mas grabe itong si McCloud dahil cartonista lang ito at sa tingin ko sa mga cartoon drawings niya ay BAGITO pa ang abilidad nito sa pagguhit ng cartoons. Ang mga dibuho ng mga puting ito ay hindi pa makaabot sa mga pamantayan ng mga prinsipiyong binanggit sa blog ni Kapre.

Pero sabi pa rin ng mga anonymous na ito na mga BEST SELLERS at maraming mga AWARDS daw ang mga puti na ito at dapat daw sila ang magturo sa mga komikeros. Turuan ang mga pinoy na komikeros para maging mga ORDINARYO at BAGITO ang mga dibuho nila? At ang lakas pa ng mga APOG na sinabi na WALANG KATIBAYAN at HINDI BINABASA ang blog ni Kapre ng mga anonymous na ito na kinopya raw ni Kapre ang mga original niyang FLOR’S FUNDAMENTAL LENGTH L, HARMONY IN CHAOS, SUPER PAC TECHNIQUE at iba pa kina Dorn, Hamm at iyong mga binanggit na mga puti sa itaas.

Hindi nakapagtataka kung bakit ang mga anonymous na ito na makakaliwa pero elitista na makakanan rin ay bilib na bilib sila sa mga puting artists na binanggit sa itaas, ito talaga ang resulta sa kaisipan ng mga komikeros kung nakadikdik ng napakalalim sa kanilang mga tuktok ang MENTALIDAD NA COLONIAL AT ALIPIN. NADUDULING ang mga isip nila at hindi ang kanilang mga mata kaya mas bilib sila sa mga puti na ordinaryo at bagito ang mga abilidad kaysa magagaling na mga pinoy. Kung gayon, itong mga artists na sina

HOGARTH, DORN, HAMM, EISNER, McCLOUD AT IBA PA AY HINDI MGA HARI ITO DAHIL HINDI SILA MGA PINOY. KAYA DEMOTED KO SILA NA MAGING MGA TAGATINDA NA LANG NG MGA BALUT, hhhhhhh, PARA PAGBABATOHIN NILA NG MGA BUGOK NA BALUT ANG MGA ANONYMOUS NA MAKAKALIWA KUNO PERO ELITISTA NA MAKAKANAN RIN. MABUKOLAN SANA ANG MGA ANONYMOUS NA ITO PARA RIN DUMIRETSO ANG MGA DULING NILANG MGA PAG-IISIP. Pero mas mabuti siguro na i-demote ko na lang ang mga puting ito na maging mga KUBITEROS para batohin nila ng mga tae ang mga anonymous na ito na gusto pang kainin nila ang TAE sa halip na kainin nila ang libreng LITSON ni Kapre, hhhhhhh.

Para pala sa mga polpol na mga anonymous, ang DYNAMIC TENSION ng figure drawing ni Kapre ay IBA sa DYNAMIC FIGURE DRAWING ni Hogarth. Kasi ang figure drawing ay puwedeng dynamic tingnan ito pero hindi nangangahulugan na meron itong dynamic tension. Kaya ginagamit ni Kapre ang EXAGGERATION para maging DYNAMIC at magkaruon ng DYNAMIC TENSION ang figure drawing. Maliwanag na DYNAMIC at MERON TENSION ang figure drawing ni Kapre, samantalang DYNAMIC lang at WALANG TENSION ang figure drawing ni Hogarth. Sa totoo, itong si Hogarth ay hindi yata alam ang sekreto kung paano mag-drawing ng figure na may dynamic tension dahil walang tension ang drawing niya.

Part 11 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Pansamantala ay tapusin ko muna ito dito, sa ngayon ay sapat na ito siguro para PAGSUSUNDUTIN rin si Kapre ng mga BUBUYOG na komikeros, hihihiiiii……. Pero kung susundutin rin si Kapre ng mga bubuyog na ito ay dapat may mga basehan sila na suportado rin ng mga SARILI nilang mga pilosopiya sa sining. Paano kung wala sila nito at ginamit lang nila ang mga pilosopiya ng mga puti? Di hindi sila makasundot, para lang sila na mga sundalo na pupunta sa giyera na WALANG SARILING MGA BARIL, manghihiram pa ng mga baril sa iba na hindi naman pumuputok dahil mga kinakalawang na sa kalumaan ito.

Dadagdagan ko pa pala ito ng iba pang

MGA HARING KOMIKEROS NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

sa ibang mga araw. Abangan sila dito sa Part 11.

Part 12 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

CONCLUSION

Mga kabataan, huwag ninyong gagayahin itong ginagawa ko dahil ILALAMPASO kayo ng mga matatanda at batang mga BUBUYOG na mga komikeros sa atin, hahahaaaa, maliliit pa ang mga YAGBA ninyo na kailangan palakihin pa muna na kagaya ng kay Kapre bago ninyo sila masagupa, manabako na lang muna kayo.

PANGSUNDOT lang sa mga PIGSA ng mga drawings itong pabirong kritiko ko para MAKABURARAT ang mga mata ng lahat at makita nila ang mga nakatago sa SINGIT ni Maria Kapra, at para rin iyong mga susunod na mga henerasyones ng mga kabataan dibuhista ay magawan nila ng paraan ma-improve ang mga kamalian ng mga dibuho ng mga matatandang dibuhista natin nuon at mga kamalian rin ng mga dibuho ng mga kabataan dibuhista ngayon.

Tandaan rin, mas mabuting sabihin ang MALI kaysa itago ito dahil kung hindi ay patuloy palagi ang kamalian. Pero ANG SINUMAN PUMUNA SA MALI NG IBA AY DAPAT SABIHIN RIN NIYA KUNG BAKIT MALI ITO. Ang problema lang ay ipapasok ng mga PILOSOPONG TONTO ang tanong na ANO BA ANG TAMA AT ANO ANG MALI? O puwede rin sabihin nila na WALANG TAMA AT WALANG MALI na ang implikasyon nito ay puwede rin sabihin na PURO TAMA O PURO MALI. Kung magkagayon, lahat ng mga tao ay puwedeng sabihin na LAHAT ay mga artists na, pati mga hayop na kagaya ng mga unggoy at elepanti ay puwede na rin sabihin na mga artists rin ito.

Ang labas ng walang pamantayan ay kanya-kanya ng banat ng bawa’t isa, HINDI NA KAILANGAN MAG-ARAL na kagaya ng maraming mga matatandang artists nuon at ibang mga kabataan ngayon na walang mga pinag-aralan sa sining pero mga dibuhista kuno sila, nalipasan na tuloy ng panahon ang mga stelo nila. Kaya sinabi tuloy ni Auggie nuon na “sila ay parang mga tsimoy na pumunta lang daw para bumili ng mga suka sa mga tindahan, nakakita ng mga komiks na itinitinda duon, at pagbalik sa mga bahay ay mga debuhista na kuno sila.”

Sa ayaw at gusto ng sinuman ay mapapasama na sa HISTORY NG KOMIKS itong MGA HARI NG KOMIKS ni Kapre, hhhhhhh, dahil ito ang pananaw sa komiks na nasa kanan at kaliwa ng bakod na kung saan sinasabi dito ang mga TAMA at MALI sa pagguhit na walang halong bulahan at kaipokritohan. Hindi na puwedeng itago ito, at ang sinumang susulat ng history ng komiks na binabaliwala ito ay lalabas na buladas, bias at PURO MGA PAPURI lang ang history niya na ang pananaw ay nasa kaliwa lang ng bakod, twisted pa ang labas ng history niya. Ang history ng anumang bagay ay dapat sulatin sa mga pananaw na nasa kanan at kaliwa ng bakod.

Kailangan talaga masundot ang mga “PIGSA” ng mga dibuho ng mga komikeros para umatungal sila, maging dahilan ito na malaman nila ang mga mali sa kanilang mga dibuho at magawan nila ito ng paraan para makalapit sa perpekto ang mga gawa nila kung ang balak nila ay ang global domination sa komiks ng mga pinoy na pangarap ni Auggie. Kailangan rin nilang ayusin ang kanilang mga kuwento na kasama ng mga dibuho nila, pero trabaho na ito ng mga writers at walang pakialam na dito si Kapre.

Minsan masakit malaman ng mga komikeros ang mga katotohanan tungkol sa mga kamalian sa mga dibuho nila na resulta ng kakulangan nila ng edukasyon sa sining at lalong na-reinforced ang mga kamalian nilang ito sa sobrang PURIHAN nila sa isa’t-isa sa mga dibuho nila. Itong kakulangan rin sa edukasyon sa sining ay ang numero unong dahilan kung bakit ang karamihan sa mga matatandang dibuhista sa atin ay umurong sila ng paatras. Maraming mga kabataan ngayon ay wala rin edukasyon sa sining na kagaya ng mga matatandang dibuhistang ito, kasisimula pa lang nila ay parang mga laos na ang mga dibuho nila.

Kaya ang kinakailangan ng lahat ng mga komikeros, matanda o bata man, ay edukasyon at pag-aaral na walang tigil sa mga prinsipiyo sa sining, iwasan rin nila ang pangungupya sa mga gawa ng iba lalo na kung itong kanilang mga kinukopya ay hindi ipinapaliwanag sa kanila. Halimbawa, meron isang dibuhista na kinupya ang maling drawing na kabayo ng isang dibuhista rin at walang nagsabi sa kanya na mali ito. Ano ang resulta? Ang kopya niyang drawing na kabayo ay naging korteng butiki na ito. Kaya ito ang reaction ni Kapre sa kanya, BWHHHHHHHAHAAAAA ……. Nakakainis, ano?

Pahabol. ANG ITINUTURO PALA NA PILOSOPIYA SA KOMIKS NI KAPRE NA COMICS ILLUSTRATION PARA SA VISUAL STORYTELLING AY SINASAKOP ANG CINEMATIC, TECHNICAL , ARTISTIC AT ANG MGA PRINSIPIYO SA KOMIKS NA BINANGGIT NIYA SA KANYANG BLOG. AT ANG PILOSOPIYANG ITO NI KAPRE AY ANG KANYANG MAKABAGONG “PINAKBET” NA PANANAW SA COMICS NGAYON NA ISANG “SIGLO” KUNO ANG ABANTI KAYSA SA MGA ITINUTURO NG MGA PUTI AT PINOY. SAMANTALANG ITONG MGA ITINUTURO NAMAN NG MGA PUTI SA COMICS ILLUSTRATION PARA RIN SA VISUAL STORYTELLING AY MGA ARTISTIC LANG ANG INIIKUTAN AT MAKALUMANG MGA PANANAW ITO SA COMICS NA MGA ATRASADO NA NG ISANG “SIGLO.” BWAHAHAHHHHHhhhhh! Pati mga puti nito ay mangungunsumi na rin kay Kapre.