Tuesday, February 16, 2010

Part 8 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Isa sa paborito kong dibuhista nuon ay itong gurang na si TORRES. Simple masyado ang kanyang COMPOSITION, at walang TWISTING, COMPRESSION, STRETCHING, VARIATION at DYNAMIC TENSION ang kanyang mga komiks characters. Sa tingin ko ay hindi masyadong tama ang DIRECTIONAL CONTINUITY ng kanyang komiks VISUAL storytelling dahil hindi ko masyadong masundan ang nakatuturete at paiba-iba niyang mga DIRECTIONS.

Kulang sa DEPTH at saka DISTANCE ang kanyang PERSPECTIVE, at napansin ko rin na walang SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS ang mga dibuho niya. Meron MAHINHIN na EXAGGERATION ang mga gawa ni Torres. Pero naman, ang drawing niya ay ang siyang masasabing TUNAY NA PINOY ang style. Kaya si

TORRES AY ANG HARI NA ANG MGA DIBUHO NIYA AY MASASABING TUNAY NA PINOY. Hindi kasama sa pinoy na ito ang balut, hhhhhhh.

Maisingit nga itong writer at director na si MAKILING. Pogito ito nuong nasa Wow komiks pa kami. Kapatid kaya ito ni Maria Makiling? Pero bakit tumanda na ito ng husto ngayon na para ng “LOLO” ni Kapre? Bakit, meron bang bumabata habang tumatanda? Si Kapre lang yata ang nagiging HUKLUBAN habang BUMABATA, hhhhhhh. Ang gulo, ano? Magkagayon man, itong si

MAKILING AY ANG HARI NG MGA “LOLO” NG MGA KAPRE NA MGA WRITERS AT DIRECTORS.

Pero itong si RIVAL ay hindi yata tumanda, hanggan ngayon ay MASKULADO pa rin ito. Mga kabataan, gayahin itong si Rival na MAYAMAN para humaba ng husto ang buhay pero iwasan lang na KARIBALIN ito. Ito pala ang artist na MASKULADO pero EMASKULADO ang mga drawings niya dahil hindi ito sumabay ng tumakbo ng paabante ang panahon. Kaya itong si

RIVAL AY ANG HARI NG MGA MAYAYAMAN DIBUHISTA NA TIGASIN PA NA KARIBAL PERO MGA MASKULADO SILA NA MGA EMASKULADO ANG KANILANG MGA DIBUHO DAHIL HINDI SILA SUMABAY NG TUMAKBO NG PAABANTE ANG PANAHON.

Si CARRILLO ay kulang ang EXAGGERATION sa mga dibuho niya at wala rin DYNAMIC TENSION ang kanyang mga komiks characters. Siya at si Nebres ay halos magkasingtaas lang silang dalawa, pero ang drawing ni Nebres ay EXAGGERATED ang proportion ng tao samantalang ang drawing naman na tao ni Carrillo ay UNDERSTATED. Maliwanag na walang relasyon ang taas ng isang dibuhista sa proportion ng tao na dibuho niya, HHHHHHH.

Simple rin ang COMPOSITION ng mga drawings ni Carrillo, at walang TWISTING, COMPRESSION, STRETCHING at VARIATION ang kanyang mga characters. Sa tingin ko ay hindi rin masyadong tama ang DIRECTIONAL CONTINUITY ng kanyang VISUAL storytelling dahil magulo ang kanyang ACTION DIRECTIONS. Kulang sa DEPTH at DISTANCE ang kanyang PERSPECTIVE dahil hindi masyado ang CONTRAST ng mga levels ng kanyang mga backgrounds, at hindi ko rin nakitaan ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, SYMBOLIC PANELS & ANGLES at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS ang mga dibuho niya.

Ang style ng dibuho ni Carrillo ay hango sa style ni Coching, pero nagkaruon siya ng sariling stye na hindi kagaya ni Javinal. Kung ikumpara sa dalaga, ang drawing ni Carrillo ay hindi ito pangit tingnan, hindi naman maganda, hindi sexy, hindi mataba at hindi rin payat, at saka hindi rin maskulado ito na parang barbelistang babae. Sa maikling salita ay parang ordinaryong dalaga lang ito na dumaan at tiningnan ng mga binata pero paglagpas niya ay nakalimutan kaagad. Sasabihin lang na ORDINARYO ay nagpaikot-ikot pa, ano? Maliwanag na itong si

CARRILLO AY HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG KANILANG MGA DIBUHO AY MGA ORDINARYO NA PARANG MGA DALAGANG DUMAAN ITO SA HARAP NG MGA BINATA AT NAKITA NILA SILA PERO PAGLAGPAS AY HINDI NA SILA NAALAALA.

Si JAVINAL naman ay ang masasabing tunay na CLONE ni Coching, pati maling drawing na kabayo ni Coching ay kinopya nito. May ibubuga ang taong ito kung naglakas-loob lang siya na humiwalay kay Coching. At may mga dibuho nga itong si Javinal na minsan ay mas pulido pa sa mga gawa ni Coching. Pero, mga kabataan, ingatan mangupya ng TODO-TODO sa mga idolo ninyong mga dibuhista dahil ang CLONED na mga artists ay WALANG MGA ANINO. Samakatuwid, si

JAVINAL AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALANG MGA ANINO DAHIL ANG KANILANG MGA ANINO AY KINAIN NG ANINO NG KANILANG IDOLO.

At si RODRIGUEZ ay maraming humahanga sa mga drawings niya dahil maganda raw ang mga drawings nito, pero ang totoo kung sipatin ng mabuti ang kanyang mga dibuho ay medyo mga TABINGI ito. Tanungin mo itong mga bubuyog na tagahanga ng dibuhistang ito kung bakit? Hindi nila alam ang sagot, basta gusto lang nila. BLEH! Ang SEKRETO ng artist na ito ay dahil meron EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang mga dibuho niya. Kaya lang simple ang COMPOSITION ni Rodriguez, tuloy parang kulang ang DEPTH at DISTANCE ng PERSPECTIVE sa kanyang mga drawings.

Meron COMPRESSION at STRETCHING pero walang TWISTING at VARIATION ang mga dibuho na characters ni Rodriguez. Magulo tingnan ang DIRECTIONAL CONTINUITY ng kanyang VISUAL storytelling dahil magulo ang DIRECTIONS ng actions niya at dahil rin hindi ko nakitaan na gumagamit siya ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS na kailangan sa pagbabago ng ACTION DIRECTIONS. At wala rin akong nakitang gumamit siya ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS.

Ang drawing pala ni Rodriguez ay pinaghalong realistic at cartoon, parang namamangka siya sa dalawang ilog na may magkaibang direksiyon. Natataranta ang stelo ng drawing niya na palukso-lukso sa dalawang bangka sa dalawang ilog na ito, at hindi malaman kung realistic o cartoon ang direksiyon na kanyang pupunteryahin. Kaya itong si

RODRIGUEZ AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA NATATARANTANG NAMAMANGKA SILA SA DALAWANG ILOG NA MAY MAGKAIBANG DIREKSIYON.

No comments:

Post a Comment