
http://comicsillustration.blogspot.com/
Pang-dekorasyon lang uli itong drawing ko sa itaas para hindi maging boring ang blog na ito.
Si FLORO DERY ay ang KAPRE kuno na nakakapanghilakbot na panaginip ng mga komikeros habang natutulog na dilat ang kanilang mga mata, HHHHHHH ......., at siya rin ang tagasundot ng mga "pigsa" ng mga dibuho nila para magsi-atungal ang mga kumagis na ito.
May kasabihan na masakit daw malaman ang katotohanan, kaya kinaugalian ng marami na itago at takpan ito dahil nakakahiya sa sarili o nakakasakit sa damdamin ng iba kung sasabihin ito. Pero depende sa kung anong klaseng katotohanan. Halimbawa, may mga katotohanan na alam ng marami sa isang sektor ng sociadad pero hindi alam ito ng ibang sektor. Ang ganitong katotohanan ay puwedeng sabihin, ang itago ito ay KAIPOKRITAHAN lang. At kung tungkol naman sa historya ng anumang bagay, ang katotohanan ay nararapat lang na sabihin para marimedyohan ito kung kinakailangan.
Mayruon malansa at mabahong historyang amoy ang komiks natin nuong kasikatan nito sa atin. Nasabi kung malansa ito dahil ginagamit ito ng mga tindera sa palengke na pambalot sa mga daing, tuyo, tinapa at iba pang mga itinitindang mga isda sa palengke. Ang komiks nuon ay mabaho rin dahil ginagamit ito na pampunas puwet pagkatapos magtae, lalo na sa mga lugar ng mga mahihirap na walang tubig at kubeta.
Bakit hindi na lang ginamit na pampunas ng tae sa puwet ang ibang mga magazines o diyaryo, bakit mga komiks pa? Dahil ng kasikatan ng komiks sa atin nuon ay parang mga langaw ito na nagkalat halos sa lahat ng mga sulok sa Pilipinas. Ang mga komiks nuon ay parang mga diyaryo na binibili ng mga mahihirap, kahit na pulubi nuon ay kayang bilhin ito.
Ang nanay ko ay madalas bumili ng daing at tinapa nuon sa palengke, pag-uwi niya ay kadalasan nakabalot ito sa komiks, binabasa ko pa nga ang storya dito at tinitingnan ko rin ang mga drawings na minsan ay gawa ni Coching. Maski sa probinsiya namin ay ganito rin ang gawain ng mga tindera sa palengke na nagtitinda ng preserbadong mga isda, ginagawa nila ang mga komiks, diyaryo at magazines na pambalot sa mga isdang ito.
Ang munisipyo sa probinsiya namin nuon sa lugar ng mga mahihirap na kung saan sa napakaruming mga kalsada nito ay nagkalat ang mga tae ng galang mga aso at baboy, nakapandidiri tuloy tingnan at daanan. Pinagtatawanan pa nga ng mga tao duon ang tatay ko dahil bakit daw niya nililinis at binabaon ang mga tae samantalang kinabukasan ay tataehan na naman ng mga aso at baboy ito. Maliwanag na may pagka-bangag ang mga taong nagsitawa sa gawa ng tatay ko.
Hindi ko alam kung marami sa lugar naming iyon ay meron kubeta. Pero ang tiyak na alam ko na ang ilan-ilan ay meron mga kubeta na nakikita sa labas dahil sa ilalim nito ay meron silang inaalagaan na maingay na mga baboy; ang karamihan naman sa kanila ang ginawang mga kubeta nila ay ang dalampasigan. Sa medaling umaga kung pumupunta ako sa dagat para mamana ng isda ay nakikita ko ang marami na malapit sa dalampasigan na naka-squat at nagtatae at nagbabasa pa ang iba ng komiks habang ang ilan-ilan aso ay natatakam na naghihintay sa tabi-tabi sa mabahong almusal nila, hehehe. At ang ginamit na pamunas pa ng tae sa puwet nila ay komiks, meron nga ako na nadaanan na isang tumpok na tae at nakita ko pa sa tabi nito na ang ipinamunas na komiks ay may drawing pa ni Redondo. Sa dami ng tae na nagkalat, minsan iyong isdang napana ko ay meron pang tubol sa bunganga nito, nakakapandiri tuloy isipin hanggan ngayon.
Madalas rin akong makatapak ng tae nuon sa amin, nagkaruon tuloy ako ng ugali na tinitingnan ko ang ilalim ng sapatos baka meron akong natapakan na tae bago ako pumasok sa bahay namin, maski na nuong nasa Manila ako at sa US ay naging ugali ko pa rin ito.
Itong komiks na ginagamit na pampunas ng tae sa puwet ay gawain rin ito sa mga maduming iskwater na walang tubig at kubeta sa Manila nuon. Hindi ito alam ng mga may kayang artists at writers natin nuon dahil hindi naman sila nagagala sa lugar ng mga iskwaters, takot kasi sila dahil sabi nga ni JM ay baka magripuhan daw.
Nuon ay marami akong mga kabarkada sa iskwater, isa na dito ay ang kumpare ko na madalas kung dalawin para makipag-inuman. Minsan ng nalasing ang kumpare kung ito ay biglang natae. Iyong komiks pa sa Liwayway na may drawings ako ang ginawang pampunas ng tae sa puwet niya. Pagkatapos ay ibinalot ang tae niya sa komiks na may drawings nina Nino at Alcala, akala ko ay itatapon sa imburnal, ang ginawa niya ay ibinalibag ito sa medyo malayo-layo na kapit-bahay niya.
Itong pagbabalibag ng tae ay katarantaduhan gawa ito ng kumpare ko at ng iba rin mga may katok sa kanilang mga tuktok. Naikuwento minsan ni Auggie sa akin na ang tren papuntang bicol ay ginagawang tapunan ang bubong nito ng mga tae at basura ng mga iskwater na nakatira sa tabi-tabi ng daanan ng tren. Napansin rin ni Rod ito at sinabi niya na ang bubong raw ng tren ngayon ay ginawa na na parang bubong ng bahay para kung tapunan man ito ng tae at basura ay mahulog uli ang mga ito pabalik sa malapit sa lugar ng mga nagtapon.
Nakakahiya nga ang gawain na ginagamit ang komiks na pampunas ng tae sa puwet at pagtapon ng tae na nababalutan ng komiks sa mga bahay at tren, hindi rin maganda na gawin rin ang komiks na pambalot sa mga isda, pero alam ito ng marami. Paano maitago ang isang lihim kuno kung alam ito ng marami? Kung itago ito ay hindi titigil ang kabuangan ng mga buang na gumagawa nito. Mas mabuting ilabas ito ng husto para marimedyohan ng mga kinauukulan ngayon.
Pero ang tamaan ng mga bato-batong ito na mula sa langit ang masasaktan ay iyong mga IPOKRITO at IPOKRITA lamang, HHHHHHH.
Sa tawa na lang ay mahahalata kaagad kung RIGID ang UTAK ng isang tao, isang TAWA lang ang alam. Ang simpleng pang-elementary na halimbawa ay “hahaha.”
Ang mga iba’t-ibang tawa at halakhak sa ibaba ay magandang gamitin na parang GAMOT sa RIGID o NATATARANTA na utak para maging FLEXIBLE at CREATIVE ito:
hahaha ….. ordinaryong tawa
ha-ha-ha …..average na tawa
ha_ha_ha ……nabansot na tawa, tawang hindi na masyado marinig.
………… ….. walang tawa o tawang hindi naririnig
HAHAHA ….. EXAGGERATED at malakas na tawa. Tandaan na ang anumang tawa na EXAGGERATED at malakas ay nakasulat sa capital letters.
HAHAHA ….. dambuhalang tawa
hehehe ….. medyo mahinhin na tawa
hihihi ….. may kalukohan na tawa
hohoho ….. tawang nagtatanong, tawa rin ito ni santa Klaus.
huhuhu ….. tawang umiiyak
huhuhiii ….. tawang nakahuli
aha aha aha ….. tawang nakabuko
hhhhh ….. tawang tamad, tawa rin ito ng bungal
HHHHH ...... malakas na tawang tamad
HHHhhhh ….. EXAGGERATED at malakas na tawang tinamad, tawa rin ito ng galit na unti-unting humuhupa ang galit
hek hek hek ….. tawa ng lasing
hahehihohu ….. halo-halo na mga tawa
a e i o u ….. short cut ng halo-halo na mga tawa
uhu uhu uhu ….. hikain na tawa ng taong malapit ng MATIGBAK
iiiiiiih ….. kinapos na naipit na tawa
eeeeeh ….. nagulat na tawa dahil nakakita ng daga
aaaaah ….. tawa ng nasasarapan sa kahit anong bagay
hahahaaaaak ….. tawa ng nabilaukan
hahahaaay ….. nanlumo na tawa
hihikkkkkkk ….. tawa ng lalaki na naghahanap ng ano? Hulaan ninyo.
hihitttttttttt….. tawa ng babae na naghahanap ng ano? Hulaan rin ninyo.
ehe ehe ehe ….. tawa ng nagpapalusot
eheheheeeee ….. tawa ng nakalusot
BWA HA HA ….. tawa ng hari ng mga buwaya
bwa ha ha ….. tawa ng buwaya
Bwe he he ….. tawa ng reyna ng mga buwaya
bwi hi hi ….. tawa ng maliit na buwaya
h8h8h8 ….. tawa ng lalaki na nakakita ng seksing babae
h*h*h* ….. tawa ng terorista
hPhPhP ….. tawa ng taong mahilig sa pera
h$h$h$ ….. gahaman tawa ng taong mahilig sa dolyares
har har har ….. tawa ng pirata
hoy hoy hoy ….. tawang nagtatawag
h@#$%&*h@#$%&*h ….. galit na galit na tawa
ahray ahray ahray o argh argh argh ….. tawa ng binubugbog na tao
hitik hitik hitik ….. tawa ni Auggie habang nagbabasa ng TIKTIK sa kubeta
hak hak haaaaak ….. tawa ng taong biglang nabilaukan
whahahahaaa ….. tawa ni JM habang umiiyak na walang luha
wheheheee ….. tawa ni JM na may pumatak na isang luha
whihihiiiii ….. tawa ni JM na may pumatak na kalahating luha
exHaHHeraHion ….. tawa ni garro sa mga taong NATATARANTA na sa EXAGGERATION
tuHkooooo …..tawa ng tuko
sssh sssh sssh ….. tawa ng ahas
yeHeeeeey ….. tawa ng nanalo
growlhhh ….. tawa ng lion
HABAAAHAAAHOOO ….. tawa ni Super Kapre habang nanabako at nagtatae
h :) h :) h :)….. tawa ni Smiley o Pacman
sihihihiiigi ….. tawa habang nag-aano? Hulaan rin ninyo ito.
khaw khaw khaw ….. tawa ng aso
graaaaaaah ….. tawa ng taong galit dahil nilayasan ng asawa
pahahahatay ….. tawa bago matepok
aahahahaaaray ….. tawa ng virgin habang naninigarilyo
PAHAHAHASOOOK ….. tawa ng babaeng beterano habang nagpapausok ng tabako
H@h@h@ ….. pang-INTERNET na tawa
h+h+h+ ….. tawa ng taong nadagdagan ang suweldo
h( )h( )h( ) ….. tawang nadukutan
hzzzhzzzhzzzz ….. tawa habang natutulog
h>h>h> ..... tawa ng bagito habang lumalangoy sa tubig na paabante
h,h,h, ..... tawa ng sinisilipan
h:h:h: ..... tawa ng gurang na naninilip
h.h.h. ..... tawa ng batang naninilip
h;h;h; ..... tawa habang kumikindat
h^h^h^ ..... tawa ng mahinhin na dalaga
h6h6h6 ..... tawa ng taong nademonyo
H6H6H6 ..... tawa ng demonyo
h/h/h/ .....tawa ng nadulas
{h}{h}{h} ..... tawa ng babaeng namikot
[h][h][h] ..... tawa ng lalaking napikot
Saka ko na uli dagdagan sa susunod.