Tuesday, February 16, 2010

Part 1 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO


MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO
(mga kritikong pangsundot sa mga dibuho ng mga haring komikeros)

Bago malaman kung sino ang MGA KOMIKS KINGS o MGA HARI NG KOMIKS ay una munang ipakilala itong si SUPER BUTT, ang drawing nito ay nasa itaas. Si Super Butt ay ang HARI NG LAHAT NA MGA SUPERHEROES at ang kanyang superpower ay nagmumula sa malaki at mabaho niyang PUWET, hhhhhhh. Si Super Butt pala ay CREATURE ni Super Kapre. At bago ang lahat ay natural lang na dapat magsimula muna kuno sa introduction.

Part 2 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

INTRODUCTION

Ang ESSENCE ng drawing ay EXAGGERATION, kung may EXAGGERATION ay may DYNAMIC TENSION, kung may DYNAMIC TENSION ay may ACTION o BUHAY at ATTRACTION ang drawing, at kung meron ATTRACTION ay meron APPEAL ito. Angkop na sabihin pala na DYNAMIC ANG ACTION dahil mayruon illusion ng pwersa ito para magkaruon ng illusion rin ng action na may motion, pero HINDI masyadong angkop na sabihin na DYNAMIC ANG LAYOUT dahil ang layout ay tungkol lang ito sa arrangement ng mga elementos ng drawing at hindi tinutukoy dito ang illusion ng pwersa at illusion ng action na may motion.

Ang EXAGGERATION ay puwede sa dalawang direction, papunta sa maganda na may ATTRACTION o papunta sa kapangitan na may ATTRACTION rin. Halimbawa, mas napapalingon ang mga lalaki sa babaeng EXAGGERATED sa sexual appeal ang katawan kaysa sa magandang babae na ordinaryo lang ang katawan. Napapalingon rin ang sinuman kung nakakita ito ng lalaki o babaeng saksakan ang kapangitan.

Nabuang ang mga kabataan na artists ngayon dahil sa EXAGGERATED na BINALTAK at naging TINGTING na mga drawings ng mga artists na hapon, ang iba naman na mga batang artists ay nabuang rin sa mga EXAGGERATED na PINASABOG at naging mga DAMBUHALA na na mga superheroes na mga drawings ng mga kano na artists. At bakit HINDI NA KINUKOPYA O GINAGAYA ng mga kasalukuyan kabataan artists ang mga gawa ng mga matatanda natin artists? Sapagka’t, pangkalahatan, ang mga drawings ng mga matatandang artists natin ay wala masyadong attraction dahil mga kulang ito sa EXAGGERATION, mga bansot pa ang mga characters na mga drawings nila.

Hindi lahat, pero ang marami palang mga kabataan komikeros ngayon ay mga IPOKRITOS. Bakit? Dahil kunwari ay bilib na bilib sila sa mga illustrations ng mga gurang na artists sa atin pero ang mga KINUKOPYA o GINAGAYA nilang mga komiks drawings ay iyong mga gawang superheroes ng kano at manga ng hapon. Maliwanag na ang totoong bilib sila ay sa mga drawings ng mga kano at hapon. Siguro kung paghahampasin ng dos-por-dos ang mga tuhod ng mga kumagis na ito ay baka tumino ang mga ito, hhhhhhh. Sabagay kung kupyahin o gayahin nga naman nila ang mga stelo ng mga matatandang artists sa atin ay mararagdagan pa ang mga PIGSA ng mga dibuho nila ng mga pigsa ng mga matatandang ito, hhhhhhh.

Pero ang tanong ay ito, ano ang SAPAT na EXAGGERATION? Ang MAGALING na artists na ADAPTABLE ang UTAK ay hindi na kailangan turuan ito, alam kaagad nito ang SAPAT na EXAGGERATION sa isang tinginan lang. Pero ang BUGOK na artist ay kailangan MANGUPYA na lang dahil kahit anong kapipiga sa isip niya ay hindi nito maabot maisip kung paano gawin ang SAPAT na EXAGGERATION. Nakukuha rin ito ng ibang artists sa walang tigil na TRIAL & ERROR na pagdidibuho, PAGSASANAY at PAGSASALIKSIK sa mga gawa ng ibang artists na marurunong sa EXAGGERATON. Ang masaklap lang ay isang tambak na mga artists ang hindi natuto sa EXAGGERATION hanggan sa MATIGBAK na ang mga ito.

Isa pa, magiging PERPEKTO ba ang gawa ng isang artist o sinumang artist? Ang sagot ay HINDI kailan man! Ang pagbabago ay walang katapusan hanggan sa kamatayan. At kung hindi aagapay sa pagsulong at pagbabago ang sinumang artist ay maiiwanan siya ng panahon, at BUHAY pa siya pero PATAY na ang stelo ng drawing niya. Sa maikling salita, susulong siya ng PAATRAS. Ito ang nangyari sa halos lahat na mga matatandang artists sa atin, at mangyayari rin ito sa halos lahat na mga kabataan artists ngayon. Si Kapre ang isa sa hindi sumulong na paatras, sa halip ay sumusulong pa ito na rumaragasang paabante, hhhhhhh. Bakit, dahil ba sa malahiganting tabako niya?

Ang SOBRA PALAGING PAGPURI sa mga gawa sa komiks ay ang PINAKAMALAKING BALAKID sa pagsulong ng mga stelo ng komiks sa atin, pero gustong-gusto ito ng mga BUGOK na artists para makiliti ang mga tinga nila. Kung PURIHIN PALAGI ang MGA GAWA ng isang artist, lalo na kung maraming mga mali ito, ay INUUTO at NILULUKO lang ng pumupuri ang artist na pinupuri niya at NILULUKO rin ng pumupuri ang kanyang sarili. At kung punahin naman ang MALING MGA GAWA ng isang artist ay malalaman ito niya at ng iba pa para magawan nila ito ng paraan na ma-IMPROVE o MAREMEDYOHAN ito.

Tandaan, kung PUNAHIN ANG MGA MALI sa MGA GAWA ng isang artist ay mabilis matutuo ito at mabilis rin ang PAGSULONG NIYA NA PAABANTE. Sa isang parte, kung NAIINGGIT naman ang isang artist sa iba ay PURIHIN niya palagi ang mga gawa nito hanggan langit para hindi ito matuto at para rin SUMULONG NA PAATRAS ang mga gawa nito.

Ang komiks pala ay dominado ng mga writers, o PRIMARY ang mga papel nila dito, kaya ginagawa nila na parang PROSE ang komiks at SECONDARY lang ang mga papel ng mga artists. Ito ang dating kinaugalian gawa sa komiks na MAKALUMANG PANANAW. Ang dapat ay SECONDARY lang ang mga papel ng mga writers at PRIMARY naman ang mga papel ng artists dahil ang komiks ay VISUAL.

Ang 2D animation ay naging 3D na, at itong 3D animation naman ay nag-evolve na ito at KAISA na ito ngayon sa live action film. Ang komiks ay hindi lang dapat ARTISTIC, ito ay dapat rin CINEMATIC at TECHNICAL, at kung isama pa dito ang mga PRINSIPIYO SA PAGGUHIT na binanggit ni Kapre sa kanyang blog ay ma-evolve rin itong komiks na kagaya ng 2D animation at magiging KAISA na rin ito sa live action film. Ito ang isa lang sa mga MAKABAGONG PANANAW ni Kapre sa komiks, at ito rin ang pinuputok ng mga butsi ng mga anonymous na mga writers na naglipana sa blog ni JM dahil sa makabagong pananaw na ito ni Kapre ay puwede ng walang writers, o puwede na silang ITAPON SA BASURAHAN, hhhhhhh.

Sa ibaba ay ang mga KRITIKO ko na may halong BIRO na BATAY lang sa mga DIBUHO ng sumusunod na mga artists at HINDI BATAY sa kanilang mga nobela at storya, magiging sobra ang lawak ng tatalakayin kung kasama kasi ang mga nobela at storya. Ulitin, ANG MGA KRITIKONG ITO AY TUNGKOL LANG SA MGA DIBUHO NG MGA MATATANDA AT BATANG KOMIKEROS. Pero medyo LILIMITAHIN ko ito sa MGA PRINSIPIYO NG DRAWING na tinalakay ko sa blog ko na

COMICS and ILLUSTRATIONS according to FLORO DERY
(ito pala ang MAGIC STONE ni Kapre)
http://comicsillustration.blogspot.com/

na may relasyon sa EXAGGERATION AT DYNAMIC TENSION dahil ito ang mga SPIRITOS ng DRAWING. Pero kung kinakailangan ay babanggitin ko rin ang LAYOUT & COMPOSITION, DIRECTIONAL CONTINUITY, DIRECTION OF ACTION, CENTER OF ATTRACTION, TWISTING, COMPRESSING & STRETCHING, TRANSITION NEUTRAL SHOTS, REACTION SHOTS, SYMBOLIC ANGLES & PANELS, DEPTH & FORESHORTENING, DISTANCE, MULTIPLE LEVEL BACKGROUNDS, PERSPECTIVE & TWISTED PERSPECTIVE, CONTRAST, PROPORTION, VARIATION, TEXTURES, CREATIVITY, STRUCTURE & FORM, FIGURE ACTING & FACIAL EXPRESSIONS, ARTISTIC, CINEMATIC & TECHNICAL at marami pang ibang mga KABULASTOGAN. Pero pagtutuonan ko ng masusing pansin ang COMPOSITION ng drawing lalo na kung meron multiple level backgrounds ito dahil ang kumplikadong composition ng drawing ay mas mabuti kaysa sa simple, lalo na kung kinukolayan ito.

Part 3 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

EMPEROR, ACES, KINGS, QUEEN at JACKS ng KOMIKS

Dahil sobra ang kakitidan ng mga utak ng ILAN sa mga komikeros na madalas pa na ginagamit nila ang kanilang mga PUWET, sa halip na ang kanilang mga ULO, sa pag-iisip at pangangatuwiran kaya ang ginamit ko na lang na MGA PANGALAN ay iyong mga pangalan ng mga hari ng komiks sa ALTERNATE PARALLEL UNIVERSE para hindi naman MAGTATARANG uli itong mga komikeros sa inis sa akin, hihihihihi.

Simulan natin kay SUPER KAPRE. Dahil si Kapre ay super kaya siya ang KOMIKS KINGMAKER ng mga komikeros, hhhhhhh. Kayo na ang maging super na kapre kung may reklamo kayo. Si Kapre rin ang nakakapanghilakbot na panaginip ng mga komikeros habang natutulog na dilat ang kanilang mga mata, at si Kapre pa rin ang numero unong tagasundot ng mga “pigsa” ng mga dibuho nila para magsi-atungal ang mga kumagis na ito. Katakot-takot na kunsumisyon ang mararanasan ng mga komikeros sa kapreng ito dahil rin sa mala-imburnal na amoy ng usok ng TABAKO niya na nasuka at lumayas pati ang girlfriend kuno niya na si Maria Kapra, hhhhhhh …….

ANG PINUPUTOK PALA NG MGA BUTSI NG ILAN SA MGA KOMIKEROS KAY KAPRE AY DAHIL HINDI SIYA SUMASABAY SA AGOS NA GUSTO NILA, AYAW RIN PURIHIN NI KAPRE ANG MGA DRAWINGS NILA NA MAY MGA PROBLEMA, AT DAHIL RIN MADALAS NA PINAGSUSUNDOT NGA NI KAPRE ANG MGA “PIGSA” NG MGA DIBUHO NILA AT ANG MGA “PIGSA” NG MGA DIBUHO NG MGA MATATANDANG ARTISTS NA MGA IDOLO KUNO NILA.

Pssssst! Atin-atin lang ito, ang totoong mga idolo ng karamihan sa mga komikeros ay ang mga kano at hapon.

SA ISANG PARTE, SI KAPRE LANG ANG HINDI NANG-UUTO SA MGA KAPWA NIYA KOMIKEROS PARA BILHIN ANG KANYANG MGA DRAWINGS. EH, WALA NAMAN KASING IBINIBINTANG MGA DRAWINGS ANG KAPRENG ITO, hhhhhhh. AT SA HALIP AY TINUTURUAN PA NIYA NG LIBRE ANG MGA KOMIKEROS, PATI IYONG MGA ASAR SA KANYA, NG KANYANG MGA SEKRETOS SA KOMIKS. ANG MASAKLAP DAHIL ANG NAGSABI LANG SA KANYA NG “THANK YOU” AY MGA PUTI PA ITO. MAS INTERESADO ANG MGA PUTI KAYA MALIWANAG NA ANG PANGARAP NA PINOY GLOBAL DOMINATION SA KOMIKS NI AUGGIE AY PALAGING PANGARAP LANG ITO, hhhhhhh.

Kung gayon, si

SUPER KAPRE AY ANG KOMIKS KINGMAKER NG MGA KOMIKEROS AT HARI RIN SIYA NG MGA KAPRE NA MGA TAGASUNDOT NG MGA PIGSA NG MGA DIBUHO NG MGA KOMIKEROS PARA MAGSI-ATUNGAL SILA AT PARA RIN PUMUTOK ANG MGA BUTSI NILA SA KUNSUMISYON, hhhhhhh ……., SAKA ANG MGA KAPRE RIN ITO ANG NAGBIBIGAY NG NAKAKAPANGHILAKBOT NA MGA PANAGINIP SA MGA KOMIKEROS HABANG NATUTULOG NA DILAT ANG KANILANG MGA MATA.

Itong si JODLOMAN naman ay masasabing ABANTE sa kapanahunan ang kanyang kaisipan dahil alam na nito ang EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION samantalang ang mga kasabayan niyang mga dibuhista ay mga IGNORANTE pa o mga TATANGA-TANGA pa dito. Maaring nag-degenerate na ang mga dibuho nito ngayon dahil sa katandaan. Pero ang mga kabataan ngayon ay maraming matutuhan sa RAMIR niya, at kaunting kagyot na lang dito at duon ang idadagdag sa gawa niyang ito para lalong ma-improve pa ang COMPOSITION, DIRECTIONAL CONTINUITYat DEPTH ng kanyang mga dibuho.

Meron COMPRESSION pero kulang lang ang TWISTING, STRETCHING at VARIATION sa mga characters niya, at kailangan makabisa rin niya ng husto ang tamang paggamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, SYMBOLIC PANELS & ANGLES at REACTION SHOTS. Sa ngayon ay puwede ng isabak itong gawa niyang RAMIR sa larangan ng global na komiks. Dahil bias ako at meron aces na kasama ang mga hari sa mga baraha kaya gawin kung ACE itong si Jodloman, hehehe. At dahil rin fan ako niya, kaya si

JODLOMAN AY ANG ACE AT HARI NG LAHAT NA MGA HARING DIBUHISTA. Puwede bang ang ACE ay HARI rin? Puwede ayon kay Kapre, at ang sinumang mag-reklamo ay baka mahambalos lang siya ng dos-por-dos ni Kapre.

Si COCHING ay ang hinahangaan ng napakaraming matatandang artists nuon at marami rin sa mga kabataan ngayon. Ang mga kabataan ito ay maraming mapupulot sa stelo ng gawa niya, pero iwasan lang nila ang BANSOT na mga characters nito. Kulang sa TWISTING, COMPRESSION, STRETCHING, EXAGGERATION, DEPTH at VARIATION ang mga characters ni Coching. Pero puwede na ang mga actions sa mga drawings ng characters niya, kailangan lang dagdagan ng EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang mga ito.

Ang drawing COMPOSITION ni Coching ay simple. Wala akong nakitang kumplikadong composition at wala rin akong nakitang multiple levels ng backgrounds sa mga drawings niya kaya tuloy kumulang ang DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE. Wala rin akong nakitang TWISTED PERSPECTIVE sa kanyang mga dibuho para gumalaw ang mga mata ng viewer sa pagsunod sa mga actions ng kanyang mga characters. At saka wala rin madalas na CENTER OF ATTRACTION ang kanyang COMPOSITION na ang resulta ay hindi ma-unify ang mga elementos sa LAYOUT niya patungo sa isang centro, lalo na iyong kanyang mga panoramic spreads na hindi mga symbolic. Mas magaling si Nino kay Coching pagdating sa composition. Kulang rin pala ang gawa ni Coching sa CONTRAST. May pagka-DECORATIVE ang mga drawings niya, lalo na ang kanyang mga detalya sa backgrounds at shading, na nakakatakip at nakakalansi ang mga ito para hindi mapuna ang mga maling PROPORTION ng kanyang mga characters.

Kung titingnan lang at hindi babasahin ang mga captions at dialogues ay hindi masyado maintendihan ang VISUAL storytelling ni Coching dahil hindi masyadong tama ang gamit ng DIRECTIONAL CONTINUITYat SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Ang gulo ng kanyang ACTION DIRECTIONS dahil hindi siya gumagamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS. Kadalasan ay wala siyang REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS. Kung hindi ako nagkakamali ay itong si Coching ang nagpasimula sa walang buhay na malalamlam na mga expressions ng mga mukha ng mga characters sa komiks nuon, iwasan rin ito. At hindi rin varied o kulang ang FACIAL EPRESSIONS ng mga characters niya.

Kung i-apply ko pala ang lahat na mga binanggit ko na mga prinsipiyo ng drawing sa itaas ay MAWAWARAT ng husto ang mga drawings ng mga matatanda nuon at mga batang dibuhista ngayon dahil sa KAKULANGAN ng mga kaalaman nila dito. Pero masasabi na itong si

COCHING AY ANG HARI NG LAHAT NG MGA MATATANDANG DIBUHISTA NUON SA KOMIKS NA ANG MGA STELO NILA AY PURO MGA GURANG NA RIN.

Ang mga komiks drawings pala ni Coching, pangkalahatan, ay hindi cinematic kung tingnan ang mga ito at hindi rin technical, artistic lang ang mga dibuho niya. Ang mga nabanggit ko na MGA PRINSIPIYO sa blog ko at pati itong CINEMATIC, TECHNICAL at ARTISTIC ay ang mga elementos na ang kabuoan ng mga ito ang ma-define kung ang VISUAL STORYTELLING ng isang artist ay masasabing abanti o atrasado na sa panahon at meron ito na makabago o makalumang pananaw. Batay sa mga pamantayan ito ay masasabing atrasado na ang visual storytelling ni Coching na may makaluma rin pananaw.

Ang mga kritikong komento ko sa mga dibuho ni Coching at sumusunod na mga artists ay APLIKABLE rin ang mga ito sa mga drawings ng iba pang mga matatandang dibuhista nuon at sa mga kabataan ngayon na hindi ko nabanggit. Pag-ukulan ng sinumang dibuhista ng MASUSING PANSIN ang mga komentong ito kung gusto niyang MAIWASAN ANG MGA MALI SA KANYANG MGA DIBUHO, pati ang manunulat sa komiks ay pag-aralan rin niya ang mga kritikong ito dahil aplikable rin ito sa pagsusulat lalo na ang tamang paggamit ng DIRECTIONAL CONTINUITY at REACTION SHOTS na may relasyon ang mga ito sa VISUAL STORYTELLING.

Part 4 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Ito naman si NEBRES ay magaling ang brush style nito, pero NATATARANTA naman ito pagdating sa textures ng iba’t-ibang mga bagay sa kanyang mga drawings; halimbawa, ang katawan ng tao, kahoy, damit, lupa, bato, ulap at iba pa ay parareho lahat ang textures niya dito. Dahil walang VARIATION ang textures ng lahat ng mga bagay sa mga dibuho niya kaya nawalan ng DEPTH ito na naging sanhi para mawala rin ang ILLUSION ng DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE. Mahina ang static pose ng mga character drawings ni Nebres, pero excelente ang EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION niya pagdating sa action, at ang action ng kanyang drawing na tao ay talagang pliant at BIGAY-TODO ito.

Mas medyo magaling si Nebres kaysa kay Coching pagdating sa action. Puwede na ang COMPOSITION ni Nebres na mas kumplikado kaysa kay Coching. Kapos lang ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY sa VISUAL storytelling dahil hindi masyadong tama ang gamit niya ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS, at SYMBOLIC ANGLES & PANELS. Kulang ang TWISTING sa kanyang drawing na babae, meron STRETCHING ang mga characters niya pero wala naman itong mga COMPRESSION. Pero anak ng butiki na puno ng kulugo, ang expressions ng mga mukha ng characters ni Nebres ay sobra ang LAMLAM sa KAPUNGAYAN kahit na mga galit, gulat, seryoso, umiiyak, nalulungkot o masaya ang mga ito. Kaya itong si

NEBRES AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHONG MGA CHARACTERS NILA AY MALALAMLAM NA MAPUPUNGAY ANG MGA MATA KAHIT NA MGA TUMATAWA, NALULUNGKOT, SERYOSO, UMIIYAK, GULAT O GALIT ANG MGA ITO.

Ah, tungkol naman kay REDONDO, pagdating sa brush techniques ay mas magaling pa ito kay Nebres. Malamlam rin ang mga expressions ng kanyang mga characters, pero ang kapansin-pansin sa mga dibuho niya ay ang action na kulang rin ang EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION. PILIT ang action at walang TWISTING, COMPRESSION at STRETCHING ang mga characters sa mga dibuho ni Redondo na kapareho ito sa pilit na action sa mga gawa ni Vallejo. Kagaya ni Nebres, parareho rin halos ang mga textures ng lahat ng mga bagay sa kanyang mga drawings, walang mga VARIATIONS ito kaya hindi masyado defined ang DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE.

Simple rin ang COMPOSITION ni Redondo na madalas pa sa spread niya ay wala itong CENTER OF ATTRACTION. Medyo hindi tama ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY kaya magulo ang ACTION DIRECTIONS ng mga komiks drawings niya na ang resulta ay hindi masyado maintendihan ang kanyang VISUAL storytelling kung hindi babasahin ang mga captions at dialogues, at hindi ko nakitaan na gumamit siya ng mga SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Kagaya ni Coching, si Redondo ay hindi ko rin nakitaan siya ng tamang gamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOT, REACTION SHOT o REACTION CLOSE SHOT.

Hindi CINEMATIC at TECHNICAL ang mga dibuho nitong si Redondo, masasabing ARTISTIC lang ang mga ito, at dahil rin kinapos sa pamantayan ng ilan sa MGA PRINSIPIYONG nabanggit ko ang mga dibuho niya kaya masasabing atrasado at makaluma na ang kanyang VISUAL STORYTELLING.

Halos LAHAT ng mga matatandang dibuhista nuon at halos LAHAT rin ng mga kabataan dibuhista ngayon ay hindi nila alam masyado ang tamang paggamit ng TRANSITION NEUTRAL SHOT para baguhin ang DIRECTION ng action at angulo ng drawing, at hindi rin nila masyadong kabisado ang REACTION SHOT o REACTION CLOSE SHOT para reaction sa ibang reaction o action.

Nuon ay idol itong si Redondo ng sangkatutak na mga kabataan artists kaya sangkatutak rin ang na-CLONED na mga artists nito. Kaya si

REDONDO AY ANG HARI NG CLONED NA MGA DIBUHISTA.

Ang apelyido ni MALGAPO ay pinagdikit na mal o masama at gapo o bato na ang ibig sabihin ay masamang bato. Perdon, oh diyos miyo, hhhhhhh ……., wala yata itong relasyon sa temang mga hari na tinatalakay ko dito. Baka batohin ako nito ng masamang bato sa galit sa akin. Pero itong si Malgapo ay clone ni Redondo. At sina FLORESCE, OCAMPO, LEONIDEZ, CARAVANA at BARRAS ay kagaya rin sila ni Malgapo na mga clones sila ng cloner na si Redondo. Dahil mga clones ang anim na ito kaya wala silang mga anino. O puwede rin sabihin na ang anim na ito ay meron lang ISANG ANINO pero anino pa ito ni Redondo. Samakatuwid, sina

MALGAPO, FLORESCE, OCAMPO, LEONIDEZ, CARAVANA AT BARRAS AY MGA HARI NG MGA DIBUHISTA NA MGA CLONES NI REDONDO NA IISA LANG ANG KANILANG MGA ANINO NA ANINO PA NI REDONDO.

Hohoho, paghahabulin na talaga ako ng mga BUBUYOG nito. Ito naman si ZUNIGA ay magandang sumisiga ang painting na babae nito. Subali’t ang mga komiks drawings na mga lalaki at babae niya ay parang mga TUOD na NANINIGAS kung tingnan samantalang wala naman itong DYNAMIC TENSION, pero meron EXAGGERATION ang mga dibuho niya, kaunti lang. Mas grabe pala ang komiks drawing na babae niya dahil wala itong feminine TWISTING, ang mga characters niya ay pangkalahatan ay wala rin STRETCHING at COMPRESSION.

Simple rin ang COMPOSITION ni Zuniga, kulang ito sa DEPTH, walang DIRECTIONAL CONTINUITY ang kanyang VISUAL storytelling, walang VARIATION ang kanyang mga characters at wala akong nakitaan sa mga dibuho niya ng tamang paggamit ng REACTION SHOTS, TRANSITION NEUTRAL SHOTS, at SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Pangkalahatan ay medyo nag-degenerate ang mga dibuho ni Zuniga at sumobra rin ang TIGAS ng action ng kanyang mga characters. Kaya masasabing si

ZUNIGA AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHONG CHARACTERS NILA AY PARANG MGA TUOD SA TIGAS KUNG UMARTE.

Part 5 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Para magkaruon ng paminta ay banggitin ko itong si CAPARAS. Talagang hanga ako sa taong ito dahil nakapanggilalas ang mga gawang nobelas nito pagdating sa MASS PRODUCTION. Mantakin na lang na 38,000 na mga nobelas yata ang sinusulat nito na sabay-sabay na lumalabas sa isang linggo, ehe, 38 daw pala. Ang daming nainggit tuloy na mga writers pati artists sa kanya. Hanggan ngayon ay isinusuka pa rin siya ng mga ELITISTANG komikeros, puwera dito si Kapre.

Kahit na ang ilan sa mga gawa ni Caparas ay puwedeng PANG-BASURA lang pero ni sinuman sa buong mundo ay hindi kayang pantayan sa dami ang mga sinulat niya na mahigit sa 800,000 na mga nobelas, ehe uli, 800 kuno. Baka naduling na ang tingin nito sa kama-mass-produce ng tambak-tambak na mga nobelas kaya nakasalamin na lang palagi ito ng itim kahit na madilim, tuloy hindi niya nakita ang ibang klaseng films maliban sa mga massacre films na naging dahilan para binyagan siya na MASSACRE KING. Kung gayon, si

CAPARAS AY ANG HARI NG MGA NOBELISTANG PINOY (at balut?) at EMPERADOR RIN SIYA NG LAHAT NA MGA NOBELISTA SA BUONG MUNDO SA MASS PRODUCTION NG MGA NOBELAS. At saka siya rin ay ang MASSACRE KING na apo ni KONG KING. Dahil si CAPARAS ay EMPERADOR kaya dapat ACE rin siya. Punyemas, APAT na ang mga TITULOS nitong si CAPER, hhhhhhh.

Mabubuang na talaga ang mga babasa nito, hhhhhhh ……., ano? Dahil walang REYNA at aminado na si JM na si ELENA raw ay magaling na nobelista, kaya si

PATRON AY ANG REYNA NG MGA NOBELISTANG PINAY, PINOY AT KASAMA NA RIN DITO ANG MGA BALUT.

Kung meron EMPEROR at meron rin ACES, KINGS at QUEEN, kaya dapat meron rin mga JACKS o mga PAYASO sa mga komikeros, di ba? Maraming mga JACKS sa mga komikeros, PINUPURI nila sa harapan ang mga kapwa nila komikeros pero sa likuran ay HINUHUDAS ang mga komikeros ng mga DUWAG na mga jacks na ito, ngehehe….... Ang ilan sa binira ng patago ng mga jacks na ito ay sina Auggie, Wordsmith, Kapre at JM. Sa mga blogs ay takot lumantad ang mga jacks na ito kaya nagtatago sila na parang mga malignong daga na mga ANONYMICE o ANONYRATS. Galit rin sila sa mga superhero artists na tinawag nila na mga TOUGH GUYS sa lantaran pero patago raw na mga UNDERGROUND BAKLING. Kilala ko pala ang ILAN sa mga jacks na ito, hihihi, baka gusto ninyong malaman kung sino sila? Ang ISA sa kanila ay mahilig gumamit ng salitang EK-EK, pati nga sarili niya ay ini-ek-ek, at alam na siguro ninyo kung sino ito. Kung gayon,

ANG MGA PAYASO O JACKS AY MGA KOMIKEROS NA MGA ANONYMICE O ANONYRATS NA MGA DUWAG, MGA EK-EK AT MGA HUDAS PA ITO. Pag nabuwisit ako ay ibulgar ko ang mga mabahong pangalan nila dito, hhhhhhh. Pero sila ay masasabi rin na ANG MGA PAYASO NA MGA "hari" NG MGA MALIGNONG ANONYMOUS NA NAGLILIPANANG PATAGO SA MGA BLOGS NINA JM AT RANDY, hhhhhhh.

Pagdating kay SANTIAGO ay kapos ang VARIATION, DEPTH, EXAGGERATION, character TWISTING, STRETCHING, COMPRESSION at DYNAMIC TENSION sa mga drawings niya, at wala akong nakita kahit na isa sa mga dibuho niya para magulat ako sa NERBIYOS. Ordinaryo lang ang kanyang COMPOSITION, kapos rin ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY dahil hindi defined ang DIRECTIONS sa kanyang VISUAL storytelling, at wala rin akong nakitaan sa mga dibuho niya ng TRANSITION NEUTRAL SHOTS, REACTION SHOTS at SYMBOLIC PANELS & ANGLES. Pero sa ngayon ay siya ang sikat at PINAKAMAGALING na dibuhista sa local na komiks, at saka wala akong naririnig na matunog na pangalan duon maliban sa kanya. Samakatuwid, si

SANTIAGO AY ANG HARI NG MGA KASALUKUYAN KABATAAN DIBUHISTA. Ayon sa narinig ko na itong si SANTO TIYAGO RIN AY ANG GREATEST ILLUSTRATOR. At siya rin ay ANG HARI NG MGA DIBUHISTANG KINAPOS. Dalawa rin ang titulong hari nitong si SANTIAGO pero meron bonus pa siyang isang titulo. Dahil tatlo na ang mga titulos niya kaya bigyan ko pa siya ng isang titulo na ACE ng mga komikeros. Di APAT na rin ang kanyang mga TITULOS, hhhhhhh. Kapareho na niya si Caparas dahil meron rin itong APAT na TITULOS, pero mas mataas si Caper sa kanya dahil emperador ito.

Banggitin natin ang magaling na si INFANTE. Ang mga dibuho nitong si Infante ay meron DYNAMIC TENSION, DEPTH at EXAGGERATION pero kulang lang siya sa VARIATION. Simple pero dynamic ang action sa COMPOSITION ng drawing niya, iyon lang spread niya ay madalas wala itong CENTER OF ATTRACTION. Pero ito ang artist na parang dalawa lang ang mga angulo na alam, ang low at high na mga angulos. Kaya ang tumitingin sa mga komiks drawings niya ay kung hindi ito nakatingala na tumitingin paitaas, ito ay nakayuko na tumitingin paibaba.

Wala akong nakitaan sa mga dibuho ni Infante ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS. Medyo magulo ang kanyang DIRECTIONAL CONTINUITY kaya medyo sabog ang kanyang VISUAL storytelling na resulta ng ACTION DIRECTIONS na kalat. Kulang ang kanyang character sa TWISTING lalo na sa babae niyang drawing, kulang rin ang drawing niya sa COMPRESSION pero meron itong kaunting STRETCHING. Ito rin ang artist na tunay na masasabi na ang mga dibuho niya ay sumulong ng PAATRAS. Kung gayon o samakatuwid, therefore ito sa English, si

INFANTE AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY SUMUSULONG NG PAATRAS HABANG TUMITINGALANG TUMITINGIN SILA NA PAITAAS AT YUMUYUKONG TUMITINGIN NAMAN NA PAIBABA.

Ang mga drawings ni PERES ay may EXAGGERATION, kaya lang ang direksiyon ng kanyang exaggeration ay patungo sa saksakan ng KAPANGITAN, pero meron ATTRACTION ang mga dibuho nito. Si Gerry ay na-inlove sa ilan sa mga gawa nitong si Peres, hhhhhhhh …….. Pati nga ako ay napahanga at na-ATTRACT sa sobrang kapangitan ng mga dibuho ng taong ito, pero UNIKO ang mga gawa niya. Kaya masasabing itong si

PERES AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTANG UNIKO SA KAPANGITAN ANG MGA DIBUHO NILA.

Sa apelyido na lang nitong si AGNASIN ay maaring ang drawing niya ay TIGASIN, ehe, AGNASIN pala. Kaya ito ang dibuhista na ang stelo ng komiks drawing niya ay may posibilidad na nagsimula ito sa TIGASIN, unti-unting naging AGNASIN at sa huli ay naging FACUNDO-CONDO na lang ito, hhhhhhh ……. Therefore, sa tagalog ay samakatuwad, ehe uli, samakatuwid pala, si

AGNASIN AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA STELO NG MGA DIBUHO NILA AY MAARING NAGSIMULA ITO SA PAGIGING TIGASIN, UNTI-UNTING NAGING MGA AGNASIN ANG MGA ITO PERO SA HULI AY NAGING MGA FACUNDO- CONDO NA LANG ITO.

Part 6 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Banggitin rin itong sina TANGHAL at GONZALES. Medyo kulang sa DYNAMIC TENSION, DEPTH, EXAGGERATION, VARIATION at iba pa ang mga dibuho ng dalawang ito. Pero ang mga drawings nila ay hindi naman umurong at hindi rin sumulong, parang agos ng tubig sa ilog ang mga dibuho nila na nabara sa pagsulong. Masasabi na ang kambal na sina

TANGHAL AT GONZALES AY ANG MGA HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY NABARA SA PAGSULONG DAHIL ANG MGA ITO AY HINDI SUMULONG AT HINDI RIN NAMAN ITO UMURONG. Pero meron bang ilog na hindi gumagalaw, di sapa ang labas nito? Huling balita ko dahil nabara kaya hanggan ngayon ay NAGTATAMPISAW pa itong si lolo TANGHAL sa isang maganda at malalim na sapa, hhhhhhh.

Ang mga stelo ng mga debuho ng mga gurang na sina CRUZ at GEROCHE ay medyo hawig ng kaunti, at parang mga tuko ang mga dibuho nila na mahigpit na nakakapit sa kanilang mga panahon. At sa inis ng mga panahon na ito sa mga dibuho nila ay iniwanan mismo silang dalawa, hhhhhhh. Ang dibuho pala ni Geroche ay magaspang ang brush strokes kung ikumpara ito kay Cruz, pero ang expressions naman ng mga character drawings nitong si Cruz ay sobrang lamlam na mas grabe pa ang mga ito sa lamlam ng mga expressions ng mga character drawings ni Nebres. Itong si Cruz at Geroche ay ORDINARYO lang ang mga dibuho nila na mga kinapos sa mga pamantayan ng mga prinsipiyong binanggit ko. Magkagayon man, itong sina

CRUZ AT GEROCHE AY ANG MGA HARI NA SA SOBRANG KAPIT TUKO NG MGA DIBUHO NILA SA KANILANG MGA PANAHON AY NAINIS ANG MGA ITO AT INIWANAN MISMO SILA NG KANILANG MGA PANAHON.

Ang isa sa mga pinaka-paborito kung dibuhista nuong bagito pa ako ay itong si PANALIGAN. Ang tingin ko sa drawing niya nuon ay maihahambing ko ito sa isang parang PALASYO. Ngayon beterano na akong dibuhista ay nagbago na ang paningin ko sa mga dibuho, ng makita ko uli ang drawing niya ay maihahalintulad ko na lang ito sa parang isang BAHAY NA ORDINARYO pero gawa naman sa bato. At kulang rin ang EXAGGERATION, DYNAMIC TENSION, VARIATION at iba pa sa mga dibuho niya. Kaya si

PANALIGAN AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA NUON AY MAIHAHALINTULAD SA PARANG MGA PALASYO KUNG TINGNAN ANG MGA ITO, PERO KUNG TINGNAN ITO NGAYON AY PARANG ORDINARYONG MGA BAHAY LANG PALA ITO PERO GAWA NAMAN SA BATO.

Meron three musketeers sa mga komikeros, ito ay sina LOFAMIA, PATRICIO at saka si CHAN. Pero ito ang mga musketeers na natutulog sa iba’t-ibang moskitiros dahil ayaw nilang makagat ng mga lamok na mosquitoes, hhhhhhh.

Gusto ko ang mga dibuho nitong si Lofamia dahil ORIGINAL, CREATIVE at DECORATIVE ang stelo niya, iyon lang ang mga drawings niya nuon hanggan ngayon ay pareho pa rin, parang nabara na kagaya sa mga illustrations nina Tanghal at Gonzales. Ito naman si Patricio ay bilib rin ako sa mga drawings nito nuong tatanga-tanga pa ako sa pagguhit ng komiks, pero ngayon ng tingnan ko ang mga dibuho niya ay para bagang bumabata ito habang siya ay tumatanda, UMURONG ang mga dibuho niya. Pero mas grabe itong si Chan dahil KUMARIPAS PAATRAS ng takbo ang kanyang mga dibuho. Kung gayon, sina

LOFAMIA, PATRICIO AT CHAN AY MGA HARING TRES MUSKETEROS NA SA ESKRIMA NG MGA DIBUHO ANG UNA AY HINDI GUMALAW NA PARANG BULTO, ANG PANGALAWA AY GUMAPANG NA KAGAYA NG PAGONG NA PABALIK, AT ANG PANGATLO AY PAATRAS NA KUMARIPAS NG TAKBO NA KASINGBILIS NG KABAYO, hhhhhhh …….

Itong si “Apo” NORIEGA nuong bagito pa rin ako ang tingin ko sa dibuho niya ay walang ibubuga ito. Pero ngayong beterano na ako, hindi sa giyera, at tiningnan ko uli ang drawing niya ay parang aserong bakal pala ito na pudpod na sa kalawang at hindi na kikinang kailanman dahil palaging nakalublub ito sa putikan. O ang dibuho niya ay maihahambing rin sa madungis pero marikit na si Kurdapya na nakukulapolan palagi ng maitim na uling dahil ito ay palagi rin nasa kusina. Pero, teka, lolo ba nitong si Apo iyong si Noriega na taga Panama? Magkagayon, masasabing si

“APO” NORIEGA AY HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY PARANG MARIRIKIT NA MGA DALAGA NA HINDI PINAPANSIN DAHIL PALAGING NASA KUSINA SILA NA PUNO NG MGA ULING ANG MGA MUKHA AT DAMIT NILA NA KAGAYA NI KURDAPYA.

Sa lahat ng mga art directors na mga dibuhista ay walang kapantay itong si ANCHETA dahil mas matalas pa ang mga mata nito sa mga mata ni Kapre sa pagsipat ng mga bagito na may ibubuga. Samakatuwad, ehe, samakatuwid pala na sa latin ay ergo, ito lang si

ANCHETA ANG HINDI KAPRE PERO HARI SIYA NG MGA ART DIRECTORS NA MGA KAPRE.

Sa mga cartoonista naman ang marunong sa EXAGGERATION ay itong si MARTIN. Adelantado ang kaisipan ng taong ito pagdating sa EXAGGERATION, samantalang MANGMANG at IGNORANTE pa ang mga kasabayan niyang mga cartoonista pagdating dito. Itong mangmang at ignorante ay pareho ang ibig sabihin, ginamit ko lang na sabay ang dalawang salitang ito para MADIIN ng husto at MAINIS sa inggit ang ibang mga cartoonista, hhhhhhh. Puwedeng isabak ng sabayan ang stelo ng cartoon ni Martin sa GLOBAL na mga cartoons. Kaya si

MARTIN AY ANG HARI NG LAHAT NA MGA GURANG AT BATA NA MGA CARTOONISTA.

Hindi dapat makalimutan ang pinakasikat na cartoonista kuno sa lahat na si ALCALA. Sa punto ng cartoon exaggeration ng drawing lang, mas magaling si Martin kaysa kay Alcala. Pero anak ng tigre na naging kuting ayon kay Nebres, ang mga drawings nitong si Alcala ay kapos sa cartoon at kulang naman sa caricature. Kaya si

ALCALA AY ANG HARI NG MGA CARTOONISTA NA KINULANG AT KINAPOS.

Punta naman tayo sa sikat na si NINO. Magaling si Nino sa COMPOSITION at saka sa CONTRAST ng mga multiple levels ng mga backgrounds niya na may mga shadings na nagbibigay ng DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE, pero minsan FLAT naman tingnan ang mga dibuho niya kung sumobra ang mga blacking ng kanyang mga shadings. Sa lahat ng mga dibuhista, ito lang si Nino ang nakitaan ko sa mga drawings niya na marunong gumamit ng CENTER OF ATTRACTION. Mga kabataan pag-aralan ang mga gawa ni Nino dito.

Pero por diyos, por diyes, por singko, por santo & santita, bigyan mo si Nino ng storya na horror, adventure, drama, superhero, romance, fantasy, comedy at iba pa, ang labas ng mga dibuho niyang mga characters ay halos palaging parang mga ASWANG, BANGKAY at KALANSAY na may pagka-PORNO pa minsan, huhuhu na ito. EXAGGERATED naman ang mga aswang, bangkay at kalansay niya na halos mga caricatures na ang mga ito. Meron katingting na DYNAMIC TENSION ang mga dibuho niya, meron rin itong STRETCHING, sobrang stretching. Kaya lang walang VARIATION, walang COMPRESSION at wala rin TWISTING ang mga characters niya.

Ang mga facial expressions ng mga drawings ni Nino ay kagaya rin kina Coching, Redondo, Alcala, Nebres, Cruz at iba pa na mga MALALAMLAM sa KAPUNGAYAN ang mga mata kahit na galit, gulat, seryoso, umiiyak, nalulungkot o masaya ang mga ito. PANGIT rin ang drawing na babae ni Nino dahil marahil parang witch ito, hhhhhhh. Hindi ko rin nakitaan ang mga drawings niya ng tamang paggamit ng ACTION DIRECTIONS, DIRECTIONAL CONTINUITY, SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION SHOTS kaya tuloy hindi epektibo ang kanyang VISUAL storytelling.

At ang gulo rin ng visual storytelling ni Nino na hindi maintendihan ang storya kung hindi babasahin ang mga captions at dialogues dahil ang layout ng mga characters at elementos ng kanyang composition ay nagsusulpotan kung saan-saan na parang mga HILONG-TALILONG na mga lasing na nakainom ng mga KUWATRO-KANTOS, hhhhhhh. Ang mga dibuho rin ni Nino ay visually ARTISTIC lang, hindi ito CINEMATIC at TECHNICAL. Pero masasabing si

NINO AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY HALOS PALAGING PARANG MGA KAASWANGAN, KABANGKAYAN AT KAKALANSAYAN LANG NA MAY PAGKA-PORNO PA KUNG MINSAN.

Part 7 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Para may rikado ay ilihis uli ang usapan, isali ang pinakasikat raw nuon sa komiks na si RAVELO. Sabi ng iba diyan ay KOMIKS KING kuno itong si Ravelo, pero bakit WALA SIYANG KORONA, SCEPTRO at TRONO? Sabagay, siya at ang ibang mga hari ay meron mga KOMIKS NA MGA KAHARIAN. Sabi ng iba na sa mga nobela nitong si Ravelo na kung ano raw ang nakasulat na sinasabi niya sa kanyang caption o dialogue ay iyon rin ang halos dino-drawing ng mga artists niya. Halimbawa, sabi sa caption o dialogue, “... lumipad si Daraga,” ang drawing na makikita ay lumilipad si Daraga. Lumalabas tuloy na ang mga nagbabasa ng kanyang komiks na mga storya ay parang HINDI MARURUNONG MAGBASA at MARURUNONG LANG TUMINGIN kaya ipinapakita pa ang drawing na pareho sa sinasabi sa caption o dialogue. At ang kanyang mga dibuhista ay madalas na depende lang daw sa kanyang mga guides, captions at dialogues kaya ang kanilang mga IMAHINASYON ay na-BLANCA dahil parang naging MGA ALIPIN ang mga utak nila. Kaya si

RAVELO AY ANG KOMIKS KING NA WALANG KORONA, SCEPTRO AT TRONO, at siya rin ay ang HARI NG MGA NOBELISTA NA ANG MGA BUMABASA SA KANILANG MGA STORYA AY PARANG HINDI MARURUNONG BUMASA AT MARURUNONG LANG TUMINGIN ITO. AT ANG MGA IMAHINASYON NG KANILANG MGA DIBUHISTA AY NA-BLANCA DAHIL NAGING MGA ALIPIN ANG MGA UTAK NILA. Dalawa lang ang titulong hari ni Ravelo pero mas marami si Caper dahil apat ang titulo nito at mas mataas rin sa kanya dahil emperador pa itong si Caparas, hhhhhhh.

Si AGUIRRE ay isa sa mga sikat na dibuhista nuong kanyang kapanahunan. Pero iyong mga nagsusulat kuno ngayon ng historya ng komiks ay kailanman hindi nila nababanggit itong dibuhistang ito. Por qua que? Paano kasi siya ay nakalimutan. At si CASTRILLO, iba ito kay Fred, ay nakalimutan rin kagaya ni Agurre. Di kung gayon, itong si

AGUIRRE AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALANG MGA KAHARIAN MAPUNTAHAN KAYA SILA AY KINALIMUTAN NA LANG. AT SI CASTRILLO AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALA RIN MGA KAHARIAN DAHIL SILA AY NAKALIMUTAN NG MAKALIMUTIN MGA KAHARIAN.

Hindi dapat makalimutan ang dakilang si ALCALA, hindi ito ang cartoonistang si Alcala. Medyo may EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang mga gawa niya pero KULANG pa rin ito kaya medyo kumulang ang hagupit ng kanyang action. Pangkalahatan, hindi masyadong maganda ang mga COMPOSITIONS ng kanyang
mga spreads na madalas pa hindi defined ang mga CENTER OF ATTRACTIONS. Walang TWISTING, COMPRESSION at STRETCHING ang kanyang mga characters. Hindi ko nakitaan ng DIRECTIONAL CONTINUITY ang kanyang komiks VISUAL storytelling dahil sala ang kanyang mga ACTION DIRECTIONS. Hindi ko rin nakitaan na gumagamit siya ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS.

Ang VISUAL STORYTELLING ni Alcala ay atrasado na na makaluma pa ang pananaw dahil ARTISTIC lang ang mga dibuho niya at hindi ito CINEMATIC at TECHNICAL, at hindi rin naabot ng mga dibuho niya ang mga pamantayan ng ilan sa mga PRINSIPIYONG binanggit ko.

Medyo malamlam rin tingnan ang mga expressions ng mga characters ni Alcala. At kagaya rin ni Nebres, ang mga dibuho niya ay walang VARIATION ang mga textures ng lahat ng mga bagay kaya tuloy nawalan ng DEPTH saka DISTANCE ang kanyang PERSPECTIVE. Pero magaling si Alcala sa BUTINGTING, maraming matutuhan ang mga kabataan sa BUTINGTING niyang ito. Minsan ginamitan ko ng magnifying glass ang drawing ni Alcala at may nakita akong drawing na kuto na puno rin ng BUTINGTING, hhhhhhh ……., BIRO lang Ito. Ito rin pala ang artist na ang balita ko ay hindi raw natutulog at puro lang dibuho ang inaatupag, o sa ibang mga salita, kung nagdidibuho raw ito ay sinasabayan ng tulog na nakabukas ang mga mata, hhhhhhh …..... Di gising ito? Kaya itong si

ALCALA AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA MGA TULOG DAW PERO NAKABUKAS NAMAN ANG MGA MATA NILA HABANG BINUBUTINGTING ANG KANILANG MGA DIBUHO. Ang kulit talaga ninyo, GISING silaaaaa!

Si JM LEE ay ang manunulat at dibuhista na hanggan ngayon ay NAGDADALAMHATI pa na maaaring ang dahilan ay diniborsyohan siya ng kanyang mga kuwento at dibuho ng pumunta siya sa Canada. Umiiyak ito palagi sa kalungkutan pero WALA NAMAN MGA LUHANG pumapatak, hehehe, patay ako nito kay JM. Para maaliw ang sarili niya ay gumawa siya ng blog na kung saan naglilipana duon ngayon ang mga ala-malignong ANONYMICE at ANONYRATS. Kaya si

JM LEE AY ANG HARI NG MGA ALA-MALIGNONG ANONYMICE AT ANONYRATS. SIYA RIN ANG HARI NG MGA MANUNULAT AT DIBUHISTA NA SA KANILANG MGA KALUNGKUTAN AY UMIIYAK NA WALA NAMAN MGA LUHA NA PUMAPATAK NA ANG DAHILAN AY NILAYASAN AT DINIBORSYOHAN KASI SILA NG KANILANG MGA KUWENTO AT DIBUHO.

Si SAMONTE ay ang artist na hindi rin dapat makalimutan. Ito ang artist na collector ng mga dibuho ng mga sikat na dibuhista sa komiks para tingnan at magaya niya ang mga gawa nila at para rin maging dibuhista sa komiks siya. Kambal ito ng komiks collector rin na si SURTIDA. Nasobrahan yata nitong si Samonte ang katitingin lang sa komiks kaya nakalimutan niyang gayahin ang mga gawa ng mga dibuhistang tinitingnan niya, ang resulta ay hanggan ngayon ay tumitingin pa rin siya, hhhhhhh……. Therefore, english ito ng samakatuwid, si

SAMONTE AY ANG HARI NG MGA ARTISTS NA DAHIL SA SOBRANG KATITINGIN NILA SA MGA DIBUHO SA KOMIKS AY NAKALIMUTAN NILANG MAGING MGA DEBUHISTA DAHIL HANGGAN NGAYON AY TINGIN NG TINGIN PA RIN SA MGA DIBUHO SA KOMIKS ANG ALAM LANG NILA.

Leksiyon sa mga gustong maging dibuhista, walang mangyayari sa inyo kung puro lang mga tingin sa mga komiks ang alam ninyo.

Ito naman si SURTIDA ay halos alam ang lahat na mga SEKRETOS tungkol sa komiks, pati iyong mga storya sa komiks at mga komiks na lagpas pa yata sa kapanahonan ni Mahoma ay alam at meron yata siya. Collector rin kasi ito ng LAHAT NG MGA KOMIKS, hindi ko lang matiyak kung pati ang TIKTIK ay kinulekta nito, hihihi. Kaya masasabing itong si

SURTIDA AY ANG HARI NG MGA COLLECTORS NG MGA KOMIKS NA SA KALUMAAN AY LAGPAS PA SA KAPANAHONAN NI MAHOMA NA NGAYON AY MGA INAAGNAS NA AT INAAMAG PA.

Hohoho na ito na parang si Santa Klaus. Ito naman si SANTANA, walang relasyon ito kay Santa Ana, ay wala sa sipat ng radar ko. Nagtampo yata ang EXAGGERATION, DYNAMIC TENSION at halos lahat sa mga drawings niya na parang sala rin sa maraming mga bagay na nakalista sa mga kodigo sa komiks, pero sikat ito sa atin nuon. Kaya itong si

SANTANA AY ANG HARI NA WALANG PINAGHAHARIAN DAHIL NAGTAMPO ANG MGA KAHARIAN SA KANYA.