Tuesday, February 16, 2010

Part 6 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Banggitin rin itong sina TANGHAL at GONZALES. Medyo kulang sa DYNAMIC TENSION, DEPTH, EXAGGERATION, VARIATION at iba pa ang mga dibuho ng dalawang ito. Pero ang mga drawings nila ay hindi naman umurong at hindi rin sumulong, parang agos ng tubig sa ilog ang mga dibuho nila na nabara sa pagsulong. Masasabi na ang kambal na sina

TANGHAL AT GONZALES AY ANG MGA HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY NABARA SA PAGSULONG DAHIL ANG MGA ITO AY HINDI SUMULONG AT HINDI RIN NAMAN ITO UMURONG. Pero meron bang ilog na hindi gumagalaw, di sapa ang labas nito? Huling balita ko dahil nabara kaya hanggan ngayon ay NAGTATAMPISAW pa itong si lolo TANGHAL sa isang maganda at malalim na sapa, hhhhhhh.

Ang mga stelo ng mga debuho ng mga gurang na sina CRUZ at GEROCHE ay medyo hawig ng kaunti, at parang mga tuko ang mga dibuho nila na mahigpit na nakakapit sa kanilang mga panahon. At sa inis ng mga panahon na ito sa mga dibuho nila ay iniwanan mismo silang dalawa, hhhhhhh. Ang dibuho pala ni Geroche ay magaspang ang brush strokes kung ikumpara ito kay Cruz, pero ang expressions naman ng mga character drawings nitong si Cruz ay sobrang lamlam na mas grabe pa ang mga ito sa lamlam ng mga expressions ng mga character drawings ni Nebres. Itong si Cruz at Geroche ay ORDINARYO lang ang mga dibuho nila na mga kinapos sa mga pamantayan ng mga prinsipiyong binanggit ko. Magkagayon man, itong sina

CRUZ AT GEROCHE AY ANG MGA HARI NA SA SOBRANG KAPIT TUKO NG MGA DIBUHO NILA SA KANILANG MGA PANAHON AY NAINIS ANG MGA ITO AT INIWANAN MISMO SILA NG KANILANG MGA PANAHON.

Ang isa sa mga pinaka-paborito kung dibuhista nuong bagito pa ako ay itong si PANALIGAN. Ang tingin ko sa drawing niya nuon ay maihahambing ko ito sa isang parang PALASYO. Ngayon beterano na akong dibuhista ay nagbago na ang paningin ko sa mga dibuho, ng makita ko uli ang drawing niya ay maihahalintulad ko na lang ito sa parang isang BAHAY NA ORDINARYO pero gawa naman sa bato. At kulang rin ang EXAGGERATION, DYNAMIC TENSION, VARIATION at iba pa sa mga dibuho niya. Kaya si

PANALIGAN AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA NUON AY MAIHAHALINTULAD SA PARANG MGA PALASYO KUNG TINGNAN ANG MGA ITO, PERO KUNG TINGNAN ITO NGAYON AY PARANG ORDINARYONG MGA BAHAY LANG PALA ITO PERO GAWA NAMAN SA BATO.

Meron three musketeers sa mga komikeros, ito ay sina LOFAMIA, PATRICIO at saka si CHAN. Pero ito ang mga musketeers na natutulog sa iba’t-ibang moskitiros dahil ayaw nilang makagat ng mga lamok na mosquitoes, hhhhhhh.

Gusto ko ang mga dibuho nitong si Lofamia dahil ORIGINAL, CREATIVE at DECORATIVE ang stelo niya, iyon lang ang mga drawings niya nuon hanggan ngayon ay pareho pa rin, parang nabara na kagaya sa mga illustrations nina Tanghal at Gonzales. Ito naman si Patricio ay bilib rin ako sa mga drawings nito nuong tatanga-tanga pa ako sa pagguhit ng komiks, pero ngayon ng tingnan ko ang mga dibuho niya ay para bagang bumabata ito habang siya ay tumatanda, UMURONG ang mga dibuho niya. Pero mas grabe itong si Chan dahil KUMARIPAS PAATRAS ng takbo ang kanyang mga dibuho. Kung gayon, sina

LOFAMIA, PATRICIO AT CHAN AY MGA HARING TRES MUSKETEROS NA SA ESKRIMA NG MGA DIBUHO ANG UNA AY HINDI GUMALAW NA PARANG BULTO, ANG PANGALAWA AY GUMAPANG NA KAGAYA NG PAGONG NA PABALIK, AT ANG PANGATLO AY PAATRAS NA KUMARIPAS NG TAKBO NA KASINGBILIS NG KABAYO, hhhhhhh …….

Itong si “Apo” NORIEGA nuong bagito pa rin ako ang tingin ko sa dibuho niya ay walang ibubuga ito. Pero ngayong beterano na ako, hindi sa giyera, at tiningnan ko uli ang drawing niya ay parang aserong bakal pala ito na pudpod na sa kalawang at hindi na kikinang kailanman dahil palaging nakalublub ito sa putikan. O ang dibuho niya ay maihahambing rin sa madungis pero marikit na si Kurdapya na nakukulapolan palagi ng maitim na uling dahil ito ay palagi rin nasa kusina. Pero, teka, lolo ba nitong si Apo iyong si Noriega na taga Panama? Magkagayon, masasabing si

“APO” NORIEGA AY HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY PARANG MARIRIKIT NA MGA DALAGA NA HINDI PINAPANSIN DAHIL PALAGING NASA KUSINA SILA NA PUNO NG MGA ULING ANG MGA MUKHA AT DAMIT NILA NA KAGAYA NI KURDAPYA.

Sa lahat ng mga art directors na mga dibuhista ay walang kapantay itong si ANCHETA dahil mas matalas pa ang mga mata nito sa mga mata ni Kapre sa pagsipat ng mga bagito na may ibubuga. Samakatuwad, ehe, samakatuwid pala na sa latin ay ergo, ito lang si

ANCHETA ANG HINDI KAPRE PERO HARI SIYA NG MGA ART DIRECTORS NA MGA KAPRE.

Sa mga cartoonista naman ang marunong sa EXAGGERATION ay itong si MARTIN. Adelantado ang kaisipan ng taong ito pagdating sa EXAGGERATION, samantalang MANGMANG at IGNORANTE pa ang mga kasabayan niyang mga cartoonista pagdating dito. Itong mangmang at ignorante ay pareho ang ibig sabihin, ginamit ko lang na sabay ang dalawang salitang ito para MADIIN ng husto at MAINIS sa inggit ang ibang mga cartoonista, hhhhhhh. Puwedeng isabak ng sabayan ang stelo ng cartoon ni Martin sa GLOBAL na mga cartoons. Kaya si

MARTIN AY ANG HARI NG LAHAT NA MGA GURANG AT BATA NA MGA CARTOONISTA.

Hindi dapat makalimutan ang pinakasikat na cartoonista kuno sa lahat na si ALCALA. Sa punto ng cartoon exaggeration ng drawing lang, mas magaling si Martin kaysa kay Alcala. Pero anak ng tigre na naging kuting ayon kay Nebres, ang mga drawings nitong si Alcala ay kapos sa cartoon at kulang naman sa caricature. Kaya si

ALCALA AY ANG HARI NG MGA CARTOONISTA NA KINULANG AT KINAPOS.

Punta naman tayo sa sikat na si NINO. Magaling si Nino sa COMPOSITION at saka sa CONTRAST ng mga multiple levels ng mga backgrounds niya na may mga shadings na nagbibigay ng DEPTH at DISTANCE sa kanyang PERSPECTIVE, pero minsan FLAT naman tingnan ang mga dibuho niya kung sumobra ang mga blacking ng kanyang mga shadings. Sa lahat ng mga dibuhista, ito lang si Nino ang nakitaan ko sa mga drawings niya na marunong gumamit ng CENTER OF ATTRACTION. Mga kabataan pag-aralan ang mga gawa ni Nino dito.

Pero por diyos, por diyes, por singko, por santo & santita, bigyan mo si Nino ng storya na horror, adventure, drama, superhero, romance, fantasy, comedy at iba pa, ang labas ng mga dibuho niyang mga characters ay halos palaging parang mga ASWANG, BANGKAY at KALANSAY na may pagka-PORNO pa minsan, huhuhu na ito. EXAGGERATED naman ang mga aswang, bangkay at kalansay niya na halos mga caricatures na ang mga ito. Meron katingting na DYNAMIC TENSION ang mga dibuho niya, meron rin itong STRETCHING, sobrang stretching. Kaya lang walang VARIATION, walang COMPRESSION at wala rin TWISTING ang mga characters niya.

Ang mga facial expressions ng mga drawings ni Nino ay kagaya rin kina Coching, Redondo, Alcala, Nebres, Cruz at iba pa na mga MALALAMLAM sa KAPUNGAYAN ang mga mata kahit na galit, gulat, seryoso, umiiyak, nalulungkot o masaya ang mga ito. PANGIT rin ang drawing na babae ni Nino dahil marahil parang witch ito, hhhhhhh. Hindi ko rin nakitaan ang mga drawings niya ng tamang paggamit ng ACTION DIRECTIONS, DIRECTIONAL CONTINUITY, SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION SHOTS kaya tuloy hindi epektibo ang kanyang VISUAL storytelling.

At ang gulo rin ng visual storytelling ni Nino na hindi maintendihan ang storya kung hindi babasahin ang mga captions at dialogues dahil ang layout ng mga characters at elementos ng kanyang composition ay nagsusulpotan kung saan-saan na parang mga HILONG-TALILONG na mga lasing na nakainom ng mga KUWATRO-KANTOS, hhhhhhh. Ang mga dibuho rin ni Nino ay visually ARTISTIC lang, hindi ito CINEMATIC at TECHNICAL. Pero masasabing si

NINO AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA ANG MGA DIBUHO NILA AY HALOS PALAGING PARANG MGA KAASWANGAN, KABANGKAYAN AT KAKALANSAYAN LANG NA MAY PAGKA-PORNO PA KUNG MINSAN.

No comments:

Post a Comment