Si FLORO DERY ay ang KAPRE kuno na nakakapanghilakbot na panaginip ng mga komikeros habang natutulog na dilat ang kanilang mga mata, HHHHHHH ......., at siya rin ang tagasundot ng mga "pigsa" ng mga dibuho nila para magsi-atungal ang mga kumagis na ito.
Ang illustration sa itaas, The PRINCESS, ay isa sa mga colored illustrations at oil paintings na mula sa THE LEGEND OF THE FLAMING BLADE. Pang-dekorasyon lang ito dito bago ko pagsusundotin ang mga pigsa ng mga dibuho ng mga komikeros, hhhhhhh ....... Copyrighted ang illustration na ito nuong 2008.
Iyong mga komikeros na gustong matuto talaga ng husto sa pagguhit ay punta na lang kayo sa blog ko, "COMICS and ILLUSTRATIONS according to FLORO DERY," na ang link ay sa ibaba. Pero tandaan ninyo, pagsusundotin ko pa rin ang mga pigsa ninyo. http://comicsillustration.blogspot.com/
Ang SEKRETO para maka-DEVELOP ng RIGID na UTAK at MAWALA ang CREATIVITY ay SANAYIN ang SARILI palagi na PAULIT-ULIT o MAGPAIKUT-IKOT sa KATUWIRAN at GAWA sa isang bagay lang, ang gumagawa nito ay NATATARANTA rin na parang umiinom palagi ng AGUA DE PATARANTA, hhhhhhh .......
Sa tawa na lang ay mahahalata kaagad kung RIGID ang UTAK ng isang tao, isang TAWA lang ang alam. Ang simpleng pang-elementary na halimbawa ay “hahaha.”
Ang mga iba’t-ibang tawa at halakhak sa ibaba ay magandang gamitin na parang GAMOT sa RIGID o NATATARANTA na utak para maging FLEXIBLE at CREATIVE ito:
hahaha ….. ordinaryong tawa
ha-ha-ha …..average na tawa
ha_ha_ha ……nabansot na tawa, tawang hindi na masyado marinig.
………… ….. walang tawa o tawang hindi naririnig
HAHAHA ….. EXAGGERATED at malakas na tawa. Tandaan na ang anumang tawa na EXAGGERATED at malakas ay nakasulat sa capital letters.
HAHAHA ….. dambuhalang tawa
hehehe ….. medyo mahinhin na tawa
hihihi ….. may kalukohan na tawa
hohoho ….. tawang nagtatanong, tawa rin ito ni santa Klaus.
huhuhu ….. tawang umiiyak
huhuhiii ….. tawang nakahuli
aha aha aha ….. tawang nakabuko
hhhhh ….. tawang tamad, tawa rin ito ng bungal
HHHHH ...... malakas na tawang tamad
HHHhhhh ….. EXAGGERATED at malakas na tawang tinamad, tawa rin ito ng galit na unti-unting humuhupa ang galit
hek hek hek ….. tawa ng lasing
hahehihohu ….. halo-halo na mga tawa
a e i o u ….. short cut ng halo-halo na mga tawa
uhu uhu uhu ….. hikain na tawa ng taong malapit ng MATIGBAK
iiiiiiih ….. kinapos na naipit na tawa
eeeeeh ….. nagulat na tawa dahil nakakita ng daga
aaaaah ….. tawa ng nasasarapan sa kahit anong bagay
hahahaaaaak ….. tawa ng nabilaukan
hahahaaay ….. nanlumo na tawa
hihikkkkkkk ….. tawa ng lalaki na naghahanap ng ano? Hulaan ninyo.
hihitttttttttt….. tawa ng babae na naghahanap ng ano? Hulaan rin ninyo.
ehe ehe ehe ….. tawa ng nagpapalusot
eheheheeeee ….. tawa ng nakalusot
BWA HA HA ….. tawa ng hari ng mga buwaya
bwa ha ha ….. tawa ng buwaya
Bwe he he ….. tawa ng reyna ng mga buwaya
bwi hi hi ….. tawa ng maliit na buwaya
h8h8h8 ….. tawa ng lalaki na nakakita ng seksing babae
h*h*h* ….. tawa ng terorista
hPhPhP ….. tawa ng taong mahilig sa pera
h$h$h$ ….. gahaman tawa ng taong mahilig sa dolyares
har har har ….. tawa ng pirata
hoy hoy hoy ….. tawang nagtatawag
h@#$%&*h@#$%&*h ….. galit na galit na tawa
ahray ahray ahray o argh argh argh ….. tawa ng binubugbog na tao
hitik hitik hitik ….. tawa ni Auggie habang nagbabasa ng TIKTIK sa kubeta
hak hak haaaaak ….. tawa ng taong biglang nabilaukan
whahahahaaa ….. tawa ni JM habang umiiyak na walang luha
wheheheee ….. tawa ni JM na may pumatak na isang luha
whihihiiiii ….. tawa ni JM na may pumatak na kalahating luha
exHaHHeraHion ….. tawa ni garro sa mga taong NATATARANTA na sa EXAGGERATION
tuHkooooo …..tawa ng tuko
sssh sssh sssh ….. tawa ng ahas
yeHeeeeey ….. tawa ng nanalo
growlhhh ….. tawa ng lion
HABAAAHAAAHOOO ….. tawa ni Super Kapre habang nanabako at nagtatae
h :) h :) h :)….. tawa ni Smiley o Pacman
sihihihiiigi ….. tawa habang nag-aano? Hulaan rin ninyo ito.
khaw khaw khaw ….. tawa ng aso
graaaaaaah ….. tawa ng taong galit dahil nilayasan ng asawa
pahahahatay ….. tawa bago matepok
aahahahaaaray ….. tawa ng virgin habang naninigarilyo
PAHAHAHASOOOK ….. tawa ng babaeng beterano habang nagpapausok ng tabako
H@h@h@ ….. pang-INTERNET na tawa
h+h+h+ ….. tawa ng taong nadagdagan ang suweldo
h( )h( )h( ) ….. tawang nadukutan
hzzzhzzzhzzzz ….. tawa habang natutulog
h>h>h> ..... tawa ng bagito habang lumalangoy sa tubig na paabante
H>H>H> ..... tawa ng beterano habang lumalangoy sa banig o kama na paabante