Tuesday, February 16, 2010

Part 2 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

INTRODUCTION

Ang ESSENCE ng drawing ay EXAGGERATION, kung may EXAGGERATION ay may DYNAMIC TENSION, kung may DYNAMIC TENSION ay may ACTION o BUHAY at ATTRACTION ang drawing, at kung meron ATTRACTION ay meron APPEAL ito. Angkop na sabihin pala na DYNAMIC ANG ACTION dahil mayruon illusion ng pwersa ito para magkaruon ng illusion rin ng action na may motion, pero HINDI masyadong angkop na sabihin na DYNAMIC ANG LAYOUT dahil ang layout ay tungkol lang ito sa arrangement ng mga elementos ng drawing at hindi tinutukoy dito ang illusion ng pwersa at illusion ng action na may motion.

Ang EXAGGERATION ay puwede sa dalawang direction, papunta sa maganda na may ATTRACTION o papunta sa kapangitan na may ATTRACTION rin. Halimbawa, mas napapalingon ang mga lalaki sa babaeng EXAGGERATED sa sexual appeal ang katawan kaysa sa magandang babae na ordinaryo lang ang katawan. Napapalingon rin ang sinuman kung nakakita ito ng lalaki o babaeng saksakan ang kapangitan.

Nabuang ang mga kabataan na artists ngayon dahil sa EXAGGERATED na BINALTAK at naging TINGTING na mga drawings ng mga artists na hapon, ang iba naman na mga batang artists ay nabuang rin sa mga EXAGGERATED na PINASABOG at naging mga DAMBUHALA na na mga superheroes na mga drawings ng mga kano na artists. At bakit HINDI NA KINUKOPYA O GINAGAYA ng mga kasalukuyan kabataan artists ang mga gawa ng mga matatanda natin artists? Sapagka’t, pangkalahatan, ang mga drawings ng mga matatandang artists natin ay wala masyadong attraction dahil mga kulang ito sa EXAGGERATION, mga bansot pa ang mga characters na mga drawings nila.

Hindi lahat, pero ang marami palang mga kabataan komikeros ngayon ay mga IPOKRITOS. Bakit? Dahil kunwari ay bilib na bilib sila sa mga illustrations ng mga gurang na artists sa atin pero ang mga KINUKOPYA o GINAGAYA nilang mga komiks drawings ay iyong mga gawang superheroes ng kano at manga ng hapon. Maliwanag na ang totoong bilib sila ay sa mga drawings ng mga kano at hapon. Siguro kung paghahampasin ng dos-por-dos ang mga tuhod ng mga kumagis na ito ay baka tumino ang mga ito, hhhhhhh. Sabagay kung kupyahin o gayahin nga naman nila ang mga stelo ng mga matatandang artists sa atin ay mararagdagan pa ang mga PIGSA ng mga dibuho nila ng mga pigsa ng mga matatandang ito, hhhhhhh.

Pero ang tanong ay ito, ano ang SAPAT na EXAGGERATION? Ang MAGALING na artists na ADAPTABLE ang UTAK ay hindi na kailangan turuan ito, alam kaagad nito ang SAPAT na EXAGGERATION sa isang tinginan lang. Pero ang BUGOK na artist ay kailangan MANGUPYA na lang dahil kahit anong kapipiga sa isip niya ay hindi nito maabot maisip kung paano gawin ang SAPAT na EXAGGERATION. Nakukuha rin ito ng ibang artists sa walang tigil na TRIAL & ERROR na pagdidibuho, PAGSASANAY at PAGSASALIKSIK sa mga gawa ng ibang artists na marurunong sa EXAGGERATON. Ang masaklap lang ay isang tambak na mga artists ang hindi natuto sa EXAGGERATION hanggan sa MATIGBAK na ang mga ito.

Isa pa, magiging PERPEKTO ba ang gawa ng isang artist o sinumang artist? Ang sagot ay HINDI kailan man! Ang pagbabago ay walang katapusan hanggan sa kamatayan. At kung hindi aagapay sa pagsulong at pagbabago ang sinumang artist ay maiiwanan siya ng panahon, at BUHAY pa siya pero PATAY na ang stelo ng drawing niya. Sa maikling salita, susulong siya ng PAATRAS. Ito ang nangyari sa halos lahat na mga matatandang artists sa atin, at mangyayari rin ito sa halos lahat na mga kabataan artists ngayon. Si Kapre ang isa sa hindi sumulong na paatras, sa halip ay sumusulong pa ito na rumaragasang paabante, hhhhhhh. Bakit, dahil ba sa malahiganting tabako niya?

Ang SOBRA PALAGING PAGPURI sa mga gawa sa komiks ay ang PINAKAMALAKING BALAKID sa pagsulong ng mga stelo ng komiks sa atin, pero gustong-gusto ito ng mga BUGOK na artists para makiliti ang mga tinga nila. Kung PURIHIN PALAGI ang MGA GAWA ng isang artist, lalo na kung maraming mga mali ito, ay INUUTO at NILULUKO lang ng pumupuri ang artist na pinupuri niya at NILULUKO rin ng pumupuri ang kanyang sarili. At kung punahin naman ang MALING MGA GAWA ng isang artist ay malalaman ito niya at ng iba pa para magawan nila ito ng paraan na ma-IMPROVE o MAREMEDYOHAN ito.

Tandaan, kung PUNAHIN ANG MGA MALI sa MGA GAWA ng isang artist ay mabilis matutuo ito at mabilis rin ang PAGSULONG NIYA NA PAABANTE. Sa isang parte, kung NAIINGGIT naman ang isang artist sa iba ay PURIHIN niya palagi ang mga gawa nito hanggan langit para hindi ito matuto at para rin SUMULONG NA PAATRAS ang mga gawa nito.

Ang komiks pala ay dominado ng mga writers, o PRIMARY ang mga papel nila dito, kaya ginagawa nila na parang PROSE ang komiks at SECONDARY lang ang mga papel ng mga artists. Ito ang dating kinaugalian gawa sa komiks na MAKALUMANG PANANAW. Ang dapat ay SECONDARY lang ang mga papel ng mga writers at PRIMARY naman ang mga papel ng artists dahil ang komiks ay VISUAL.

Ang 2D animation ay naging 3D na, at itong 3D animation naman ay nag-evolve na ito at KAISA na ito ngayon sa live action film. Ang komiks ay hindi lang dapat ARTISTIC, ito ay dapat rin CINEMATIC at TECHNICAL, at kung isama pa dito ang mga PRINSIPIYO SA PAGGUHIT na binanggit ni Kapre sa kanyang blog ay ma-evolve rin itong komiks na kagaya ng 2D animation at magiging KAISA na rin ito sa live action film. Ito ang isa lang sa mga MAKABAGONG PANANAW ni Kapre sa komiks, at ito rin ang pinuputok ng mga butsi ng mga anonymous na mga writers na naglipana sa blog ni JM dahil sa makabagong pananaw na ito ni Kapre ay puwede ng walang writers, o puwede na silang ITAPON SA BASURAHAN, hhhhhhh.

Sa ibaba ay ang mga KRITIKO ko na may halong BIRO na BATAY lang sa mga DIBUHO ng sumusunod na mga artists at HINDI BATAY sa kanilang mga nobela at storya, magiging sobra ang lawak ng tatalakayin kung kasama kasi ang mga nobela at storya. Ulitin, ANG MGA KRITIKONG ITO AY TUNGKOL LANG SA MGA DIBUHO NG MGA MATATANDA AT BATANG KOMIKEROS. Pero medyo LILIMITAHIN ko ito sa MGA PRINSIPIYO NG DRAWING na tinalakay ko sa blog ko na

COMICS and ILLUSTRATIONS according to FLORO DERY
(ito pala ang MAGIC STONE ni Kapre)
http://comicsillustration.blogspot.com/

na may relasyon sa EXAGGERATION AT DYNAMIC TENSION dahil ito ang mga SPIRITOS ng DRAWING. Pero kung kinakailangan ay babanggitin ko rin ang LAYOUT & COMPOSITION, DIRECTIONAL CONTINUITY, DIRECTION OF ACTION, CENTER OF ATTRACTION, TWISTING, COMPRESSING & STRETCHING, TRANSITION NEUTRAL SHOTS, REACTION SHOTS, SYMBOLIC ANGLES & PANELS, DEPTH & FORESHORTENING, DISTANCE, MULTIPLE LEVEL BACKGROUNDS, PERSPECTIVE & TWISTED PERSPECTIVE, CONTRAST, PROPORTION, VARIATION, TEXTURES, CREATIVITY, STRUCTURE & FORM, FIGURE ACTING & FACIAL EXPRESSIONS, ARTISTIC, CINEMATIC & TECHNICAL at marami pang ibang mga KABULASTOGAN. Pero pagtutuonan ko ng masusing pansin ang COMPOSITION ng drawing lalo na kung meron multiple level backgrounds ito dahil ang kumplikadong composition ng drawing ay mas mabuti kaysa sa simple, lalo na kung kinukolayan ito.

6 comments:

  1. superkap,
    long time no hear, naging busy ako. kumusta ka na? ano pinagkakabalahan mo? graduate na ba ang anak mo?

    ReplyDelete
  2. KC,

    nag-review ngayon sa bar exam para sa July.

    Katatapos lang ng gawa ko sa Indian 3D film na kamelyo na gustong lumipad. Hinihintay ko ngayon ang simula ng production ng Chinese-Korean 3D production na adventure ng unggoy na nakarating sa langit, pero hindi ko matiyak kung matuloy ito dahil pinasukan ng politika ng producer.

    ReplyDelete
  3. san po ba yung tips nyo tungkol sa storyboard? madami din animator dito sa pinas na napagiwanan ng panahon dahil di nag adapt sa changes. yung iba nanatiling layout artist o inbetweener na lamang. takot magtry humawak ng storyboard o sadyang hindi gamay ang isang napakahalagang aspeto ng animation.

    ReplyDelete
  4. vince,

    kahit anong storyboard o cinematography book ay puwede, practice at experience lang ang kailangan. Pero meron itong maraming mga FUNDAMENTALS na dapat tandaan at mga paraan kung paanong SALUNGATIN ito. Dito natataranta sa mga CONTRADICTIONS ang maraming artists. Halimbawa, sa isang libro sasabihin na hindi puwede ang "jump cut," pero sa mga film making ngayon ay nagagamit ito sa mga violent actions.

    Iyong blog ko sa komiks ay tungkol ito sa CINEMATIC KOMIKS at tinalakay ko halos ang lahat ng mga fundamentals sa cinematography duon na sinamahan ko pa ng ORIGINAL na mga ideya ko na hindi mo mababasa sa ibang libro. Ang mga fundamentals na ito na ginamit ko sa komiks at storyboard ay tungkol sa COMPOSITION & LAYOUT, CONTNUITY & CONTINUITY DIRECTION, ACTION DIRECTIONS, STAGING, SYMBOLIC ANGLES, CAMERA ANGLES, CUTTING & PANELING, SYMBOLIC PANELS, NEUTRAL SHOTS, CLOSE SHOTS, TRANSITION SHOTS, ESTABLISHING SHOT, VARIATION, DYNAMIC, etc. Basahin mo ito sa blog ko.

    Sa isang parte, kung may panahon ka na mag-aral sa CINEMATOGRAPHY sa mga universidad ay gawin mo ito, sa US ay napapag-aralan ito ng apat na taon. Pero puwedeng ituro ito ng isang taon ng mga batikan storyboard artists.

    SHORTCUT ang cinematic komiks ng storyboard. Kung marunong ka sa cinematic komiks ay puwede kang storyboard artist. Mas madali pala ang storyboard sa live-action kaysa animation. Sa live-action ang "acting" ay ginagawa ito ng artista pero sa animation ay ginagawa ito ng storyboard artist na sinusundan na lang ng animator.

    Huwag ka palang papasok bilang ANIMATOR, mawawalan na ng trabaho ang mga animators dahil sa techniques na motion capture na ginamit sa Avatar. Ang DESIGNER at LAYOUT ARTIST ay maikli ang trabaho, ang STORYBOARD ARTIST lang ang may kinabukasan at napakataas pa ng bayad dito, at kung wala kang gawa ay puwede ka pang gumawa sa komiks.

    Maski dito sa US ang karamihan sa mga pinoy sa animation ay mga layout artists at clean-up storyboard artists lang, wala akong alam na designer o storyboard artist na pinoy dito ngayon. Mga tamad kasi at ayaw mag-aral ng cinematography, akala nila matuto sila dito sa tingin at clean-up lang. At ang mga puti ay hindi itinuturo ang sekreto ng ACTUAL storyboarding dahil magkakaruon pa sila ng kakumpitensiya kung ituturo nila ito, mawalan pa sila ng trabaho, hhhhhhh.

    Ngayon, basahin mo ang blog ko sa cinematic komiks na ginagamit ang mga FUNDAMENTALS na binanggit ko sa itaas sa cinematography. Gumawa ka ng drawings na cinematic komiks o storyboards na 5 pages na basado sa description at dialogues sa ibaba:

    Ang title ay "CINEMATIC KOMIKS sa OK KORAL." Isang tulisan ang dumating na nakasakay sa kalabaw sa isang baryo, sinalubong siya ng isang polis. Bumaba iyong una sa kalabaw, nag-draw ng baril ito pati polis. Sigaw ng tulisan, "PATAY KA!" Putok ng mga baril, BANG! KA-BLANG! "Ulol, ikaw ang tepok," sabi ng polis. Post mo ang drawings mo sa blog mo, sabihin mo sa akin kung naka-post na at bibigyan ko ito ng mga comments para malaman mo kung may ibubuga ka sa cinematic komiks o storyboard. Pagkatapos ay puwede mo pa itong ibenta sa komiks convention sa inyo, kikita ka pa.

    ReplyDelete
  5. What about as background designer? Is it also financially rewarding as that of storyboard artist?

    ReplyDelete
  6. Pert,

    ang bayad sa background designers ay pareho lang sa kinikita ng mga animators, character designers at background painters. Mas mababa ang bayad sa kanila kung ikumpara sa mga storyboard artists.

    Madaling mawalan ng mga trabaho ang character designers, background designers/painters at animators. Ito ang mga trabaho na hindi basta-basta nakalilipat sa ibang mga studio dito sa US, lalo na ngayon.

    Sikapin mong mag-aral ng storyboard, maraming kailangan dito dahil kaunti lang ang marurunong dito, at mas mataas pa ang bayad. At puwede ka pang maging director, at kung walang trabaho sa studio ay puwede kang komiks illustrator.

    Mas mabuting alam mo lahat, dapat marunong ka sa storyboard, background design/painting, character design at animation para may trabaho ka palagi. Dinaanan ko lahat ito. At kung ano ang MAKABAGO sa animation at live-action ay sabayan mo ito dahil kung hindi ay MAIIWANAN ka ng panahon na kagaya ng mga matatandang dibuhista sa atin.

    ReplyDelete