Tuesday, February 16, 2010

Part 7 of 12: MGA “KOMIKS KINGS” NA WALANG MGA KORONA, SCEPTRO AT TRONO

Para may rikado ay ilihis uli ang usapan, isali ang pinakasikat raw nuon sa komiks na si RAVELO. Sabi ng iba diyan ay KOMIKS KING kuno itong si Ravelo, pero bakit WALA SIYANG KORONA, SCEPTRO at TRONO? Sabagay, siya at ang ibang mga hari ay meron mga KOMIKS NA MGA KAHARIAN. Sabi ng iba na sa mga nobela nitong si Ravelo na kung ano raw ang nakasulat na sinasabi niya sa kanyang caption o dialogue ay iyon rin ang halos dino-drawing ng mga artists niya. Halimbawa, sabi sa caption o dialogue, “... lumipad si Daraga,” ang drawing na makikita ay lumilipad si Daraga. Lumalabas tuloy na ang mga nagbabasa ng kanyang komiks na mga storya ay parang HINDI MARURUNONG MAGBASA at MARURUNONG LANG TUMINGIN kaya ipinapakita pa ang drawing na pareho sa sinasabi sa caption o dialogue. At ang kanyang mga dibuhista ay madalas na depende lang daw sa kanyang mga guides, captions at dialogues kaya ang kanilang mga IMAHINASYON ay na-BLANCA dahil parang naging MGA ALIPIN ang mga utak nila. Kaya si

RAVELO AY ANG KOMIKS KING NA WALANG KORONA, SCEPTRO AT TRONO, at siya rin ay ang HARI NG MGA NOBELISTA NA ANG MGA BUMABASA SA KANILANG MGA STORYA AY PARANG HINDI MARURUNONG BUMASA AT MARURUNONG LANG TUMINGIN ITO. AT ANG MGA IMAHINASYON NG KANILANG MGA DIBUHISTA AY NA-BLANCA DAHIL NAGING MGA ALIPIN ANG MGA UTAK NILA. Dalawa lang ang titulong hari ni Ravelo pero mas marami si Caper dahil apat ang titulo nito at mas mataas rin sa kanya dahil emperador pa itong si Caparas, hhhhhhh.

Si AGUIRRE ay isa sa mga sikat na dibuhista nuong kanyang kapanahunan. Pero iyong mga nagsusulat kuno ngayon ng historya ng komiks ay kailanman hindi nila nababanggit itong dibuhistang ito. Por qua que? Paano kasi siya ay nakalimutan. At si CASTRILLO, iba ito kay Fred, ay nakalimutan rin kagaya ni Agurre. Di kung gayon, itong si

AGUIRRE AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALANG MGA KAHARIAN MAPUNTAHAN KAYA SILA AY KINALIMUTAN NA LANG. AT SI CASTRILLO AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA WALA RIN MGA KAHARIAN DAHIL SILA AY NAKALIMUTAN NG MAKALIMUTIN MGA KAHARIAN.

Hindi dapat makalimutan ang dakilang si ALCALA, hindi ito ang cartoonistang si Alcala. Medyo may EXAGGERATION at DYNAMIC TENSION ang mga gawa niya pero KULANG pa rin ito kaya medyo kumulang ang hagupit ng kanyang action. Pangkalahatan, hindi masyadong maganda ang mga COMPOSITIONS ng kanyang
mga spreads na madalas pa hindi defined ang mga CENTER OF ATTRACTIONS. Walang TWISTING, COMPRESSION at STRETCHING ang kanyang mga characters. Hindi ko nakitaan ng DIRECTIONAL CONTINUITY ang kanyang komiks VISUAL storytelling dahil sala ang kanyang mga ACTION DIRECTIONS. Hindi ko rin nakitaan na gumagamit siya ng SYMBOLIC PANELS & ANGLES, TRANSITION NEUTRAL SHOTS at REACTION CLOSE SHOTS o REACTION SHOTS.

Ang VISUAL STORYTELLING ni Alcala ay atrasado na na makaluma pa ang pananaw dahil ARTISTIC lang ang mga dibuho niya at hindi ito CINEMATIC at TECHNICAL, at hindi rin naabot ng mga dibuho niya ang mga pamantayan ng ilan sa mga PRINSIPIYONG binanggit ko.

Medyo malamlam rin tingnan ang mga expressions ng mga characters ni Alcala. At kagaya rin ni Nebres, ang mga dibuho niya ay walang VARIATION ang mga textures ng lahat ng mga bagay kaya tuloy nawalan ng DEPTH saka DISTANCE ang kanyang PERSPECTIVE. Pero magaling si Alcala sa BUTINGTING, maraming matutuhan ang mga kabataan sa BUTINGTING niyang ito. Minsan ginamitan ko ng magnifying glass ang drawing ni Alcala at may nakita akong drawing na kuto na puno rin ng BUTINGTING, hhhhhhh ……., BIRO lang Ito. Ito rin pala ang artist na ang balita ko ay hindi raw natutulog at puro lang dibuho ang inaatupag, o sa ibang mga salita, kung nagdidibuho raw ito ay sinasabayan ng tulog na nakabukas ang mga mata, hhhhhhh …..... Di gising ito? Kaya itong si

ALCALA AY ANG HARI NG MGA DIBUHISTA NA MGA TULOG DAW PERO NAKABUKAS NAMAN ANG MGA MATA NILA HABANG BINUBUTINGTING ANG KANILANG MGA DIBUHO. Ang kulit talaga ninyo, GISING silaaaaa!

Si JM LEE ay ang manunulat at dibuhista na hanggan ngayon ay NAGDADALAMHATI pa na maaaring ang dahilan ay diniborsyohan siya ng kanyang mga kuwento at dibuho ng pumunta siya sa Canada. Umiiyak ito palagi sa kalungkutan pero WALA NAMAN MGA LUHANG pumapatak, hehehe, patay ako nito kay JM. Para maaliw ang sarili niya ay gumawa siya ng blog na kung saan naglilipana duon ngayon ang mga ala-malignong ANONYMICE at ANONYRATS. Kaya si

JM LEE AY ANG HARI NG MGA ALA-MALIGNONG ANONYMICE AT ANONYRATS. SIYA RIN ANG HARI NG MGA MANUNULAT AT DIBUHISTA NA SA KANILANG MGA KALUNGKUTAN AY UMIIYAK NA WALA NAMAN MGA LUHA NA PUMAPATAK NA ANG DAHILAN AY NILAYASAN AT DINIBORSYOHAN KASI SILA NG KANILANG MGA KUWENTO AT DIBUHO.

Si SAMONTE ay ang artist na hindi rin dapat makalimutan. Ito ang artist na collector ng mga dibuho ng mga sikat na dibuhista sa komiks para tingnan at magaya niya ang mga gawa nila at para rin maging dibuhista sa komiks siya. Kambal ito ng komiks collector rin na si SURTIDA. Nasobrahan yata nitong si Samonte ang katitingin lang sa komiks kaya nakalimutan niyang gayahin ang mga gawa ng mga dibuhistang tinitingnan niya, ang resulta ay hanggan ngayon ay tumitingin pa rin siya, hhhhhhh……. Therefore, english ito ng samakatuwid, si

SAMONTE AY ANG HARI NG MGA ARTISTS NA DAHIL SA SOBRANG KATITINGIN NILA SA MGA DIBUHO SA KOMIKS AY NAKALIMUTAN NILANG MAGING MGA DEBUHISTA DAHIL HANGGAN NGAYON AY TINGIN NG TINGIN PA RIN SA MGA DIBUHO SA KOMIKS ANG ALAM LANG NILA.

Leksiyon sa mga gustong maging dibuhista, walang mangyayari sa inyo kung puro lang mga tingin sa mga komiks ang alam ninyo.

Ito naman si SURTIDA ay halos alam ang lahat na mga SEKRETOS tungkol sa komiks, pati iyong mga storya sa komiks at mga komiks na lagpas pa yata sa kapanahonan ni Mahoma ay alam at meron yata siya. Collector rin kasi ito ng LAHAT NG MGA KOMIKS, hindi ko lang matiyak kung pati ang TIKTIK ay kinulekta nito, hihihi. Kaya masasabing itong si

SURTIDA AY ANG HARI NG MGA COLLECTORS NG MGA KOMIKS NA SA KALUMAAN AY LAGPAS PA SA KAPANAHONAN NI MAHOMA NA NGAYON AY MGA INAAGNAS NA AT INAAMAG PA.

Hohoho na ito na parang si Santa Klaus. Ito naman si SANTANA, walang relasyon ito kay Santa Ana, ay wala sa sipat ng radar ko. Nagtampo yata ang EXAGGERATION, DYNAMIC TENSION at halos lahat sa mga drawings niya na parang sala rin sa maraming mga bagay na nakalista sa mga kodigo sa komiks, pero sikat ito sa atin nuon. Kaya itong si

SANTANA AY ANG HARI NA WALANG PINAGHAHARIAN DAHIL NAGTAMPO ANG MGA KAHARIAN SA KANYA.

2 comments:

  1. Supremong Kapre:

    Bakit hindi ko yata nabasa dito si EMIL RODRIGUEZ at NARDING RAYSAG. At saka yung kumpare mong si Roux! :)

    JM

    ReplyDelete
  2. JM, si Emil Rodriguez ay nasa Part 8 of 12, nakalimutan ko itong sina Narding Raysag at Joaquin Roux. Hamo't kung hindi na ako abala ay idadagdag ko sila at ang iba pa. Maganda itong MGA SUPER KAPRE NG MGA KOMIKEROS na mabasa ng mga dibuhistang pinoy para malaman nila ang mga mali ng mga dibuho ng mga dibuhista natin, at para rin maiwasan ang kapupuri sa maling gawa nila. Halimbawa, pinuri ang maling drawing na kabayo ni Coching na ang resulta ay kinupya ito ni Javinal at iba pa, tuloy hanggan ngayon ay halos lahat ng mga dibuhistang pinoy nuon at kasalukuyang batang mga dibuhista natin ngayon ay hindi marurunong mag-drawing ng kabayo.

    ReplyDelete